Chapter 5: Cold hearted monkey.

31.4K 1.1K 123
                                    


Chapter 5: Cold hearted Monkey.
-

Unti-unti nang nagkakaroon ng buhay ang palapag na ito. Rinig na rinig ko ang pagtawa ni Brent mula sa kwarto niya. Mukhang masayang masaya siya dahil nagkita na sila ng kaibigan niyang si Clyde.

Naubos na rin ang oras ko kakatingin sa mga binigay sa akin ni papa. Hindi ko namamalayan na madilim na pala sa labas, sa isang linggong pananatili ko rito isang beses pa lang akong nakapunta ng cafeteria. Lagi kasi nag-iinsist si Ion na dalhan na lang ako ng pagkain dito sa kwarto. Hindi talaga ako sanay sa ganitong special treatment.

Bumuntong hininga ako at saka itinago ang pocket watch, kinuha ko rin ang jacket ko at nang susuotin ko na iyon..

“Where are you going?” mabilis kong naibato ang jacket kay Klein pero nasalo niya iyon.

“What the hell?” ibato niya iyon sa akin pabalik.

“Sinabi ko ng sa pintuan ka pumasok eh.”

“Ano sa tingin mo yung pinasukan ko? Sa susunod kasi isara mo yung pinto ng balkonahe mo.” walang emosyong sagot niya. Hindi ko na siya pinansin pa at sinuot na yung jacket.

“Aayain kong kumain yung dalawa.” sabi ko bago tuluyang lumabas. Kakatok na sana ako sa kwarto ni Brent pero nabuksan na niya iyon.

“Tara na sa cafeteria, gutom na rin ako, eh.” nakangiting aya niya sa akin nang lumabas sila ng kwarto. Nakatingin lang ako sa kanya. Paano niya nalaman na aayain ko sila?

“Ang cool talaga ng hearing ability mo.” nakangiting sabi niya kay Clyde. So aside from his wood elemental power, may other ability din pala siya gaya ni Brent. Ano kaya yung kay Klein?

“Oo nga pala, Princess Eira. Sabi ni Ms. Eve, basahin mo raw yung book of history sa library bukas, baka daw makatulong ‘yon para magkaroon ka ng idea about sa lugar na ‘to.” tumango lang ako at nagsimula na rin kaming maglakad papunta sa cafeteria, malayo pa lang ay naririnig na namin ang ingay sa loob.

“Dito na tayo pumwesto.” sabi ni Clyde nang maupo siya sa lamesa na malapit lang sa may counter, for some reason nakikita ko sa kanya si Klein. Pareho silang cold.

Maya-maya lang ay nakaorder na rin kami ng pagkain, normal ang mga bilihin dito wala namang espesyal.

“Mauubos mo ba lahat ‘yan?” sabay na tanong sa akin ng dalawa nang makita ang laman ng tray ko. Two slice ng pizza, isang lasagna, salad at Ice tea.

“I’m actually a big eater, hindi lang halata.” nakangiting sabi ko at saka nilantakan ang mga pagkain.

You know that feeling you get when you’re being stared at? Nararamdaman ko iyon ngayon, I swear. Naiilang akong kumilos. Pakiramdam ko na sa akin lahat ng atensyon ng mga estudyante.

“Hindi ba natin siya aayain?” Lumingon ako kung saan nakatingin si Brent. It was Klein he was talking about, he’s eating alone ignoring our presence, halos dalawang lamesa lang ang layo niya sa amin.

“Mukha namang ayaw niya makisama sa atin.” sabi ko at saka nagpatuloy sa pagkain.

“Tss, lakas ng loob ng babaeng ‘yon na hindi ako ayain.” pareho kaming napalingon ni Brent dahil sa biglang pagsasalita ni Clyde. Panandaliang nagkaroon ng katahimikan sa pwestong inuupuan naming tatlo.

“What? Sinabi ko lang yung narinig kong sinabi niya.” Uh, he have a much better hearing range than we do nga pala. Hindi na ako nagsalita at nagpunta na lang sa pwesto ni Klein. Tiningala niya lang ako pero pagtapos noon ay ipinagpatuloy niya ang pagkain as if he didn’t notice me. Seriously? I was being nice here.

Artasia Academy: The seven guardiansWhere stories live. Discover now