Chapter 4: The Crest and Necklace.

31.2K 1.2K 270
                                    


Chapter 4: The Crest and Necklace.
-

It’s been a week already since I came here and I’m getting used to it. Sinubukan naming hanapin ang ibang guardians pero nahihirapan kami, masyadong malaki ang campus.

“Princess Eira, gising ka na ba?” Agad kong binuksan ang pintuan nang marinig ang boses ni Brent, he kept on calling me Princess Eira kahit na sinabi ko nang walang princess sa pangalan ko.

“Bakit?” Tanong ko at late ko nang napansin na nasa hallway din si Klein kasama niya.

It seems that this floor is exclusive for me and the guardians only. Kaya pala iba-iba ang kulay ng mga pintuan dito sa floor na ito dahil dito rin pala ang magiging kwarto nila. Sobrang espesyal ng trato nila sa amin. I wonder why, malaki ba talaga ang maitutulong ko sa lugar na ito?

“Wala pa rin ba kayong balak pumasok sa klase?” Tanong ko dahil hindi sila nakasuot ng uniform.

“Kinausap ko na si Ms. Eve. Alam ko naman na may gusto siya sa’kin kaya pumayag siya sa pakiusap ko na hindi muna tayo umattend ng klase, hindi pa naman tayo kumpleto, eh.” nakangiting sabi ni Brent, confident na confident pa siya sa sinabi niyang may gusto sa kanya si Ms. Eve, this guy is really unbelievable.

Umiling na lang ako at pinapasok sila sa kwarto para mas makapag usap kami ng maayos.

“Saan tayo maghahanap ngayon?” Walang emosyon na tanong ni Klein. Nahihirapan kaming maghanap, hindi rin naman namin pwedeng abusuhin ang ability nila dahil nakakabawas din iyon sa energy nila.

“What if kung maghiwalay tayo sa paghahanap this time?” Suhestiyon ko.

“Stupid, paano kung mapunta ka na naman sa maling lugar?” Iritang tanong ni Klein. Bumuntong hininga lang ako at hindi na nakipagtalo pa sa kanya.

“Wag mo akong talikuran. Kinakausap pa kita.” he said out of nowhere, hindi ako natakot sa sinabi niya instead, nabuwisit ako kasi nakaharap ako sa kanya at never akong tumalikod pag nakikipag usap. Alam ko naman kung ano ang gusto niyang iparating, na walang pinagkaiba ang likod ko sa harap ko. Ugh, seriously. He really know how to pissed me off.

“Oo na sige na. Ako na flat, masaya ka na?”

“Wala akong sinabi.” he just crossed his arm at saka tumingin sa bintana ng parang wala lang. Tinitigan ko siya ng masama pero agad ding nawala dahil biglang sumulpot sa harap ko ang nakangiting mukha ni Brent.

“Okay lang ‘yan Princess Eira, bawi naman sa mukha eh.”

“Ay wow, salamat. Nakakataas ng self confidence ‘yang sinabi mo.” note the sarcasm.

“You’re welcome.” nginitian niya pa ulit ako at napahawak na lang ako sa noo ko.

“Maghiwalay tayo sa paghahanap, nakalagay naman dito sa mapa yung mga hindi ko pwedeng puntahan. Magkita na lang tayo sa may fountain after 30 minutes.” hindi ko na hinintay ang sagot nila at agad na tumakbo palabas.

Wrong move. Dapat pala ay nagpalit muna ako, nakalimutang kong naka-uniform pa rin ako... Now I’m getting everyone’s attention.

Tinago ko na lamang ang mukha ko at nakayukong tumakbo ngunut bigla na lang akong napaatras dahil sa pagtama ng ulo ko sa isang matigas na bagay.

“Oh, it’s nice to see you again miss. By the way, I forgot to introduce myseld last time. I’m Adam. You seemed to be special. What’s with the uniform?” .

Nanlaki na lang ang mata ko nang makita ang lalaking nagkontrol sa akin noon. Hinawakan niya ang baywang ko at saka hinatak palapit sa kanya. I tried not to panic at agad tinapakan ang paa niya with full force, nang maramdaman ko ang pagbitaw niya ay sinamantala ko na iyon para tumakbo palayo. I can’t let him to control my fucking body again.

Artasia Academy: The seven guardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon