"Omaygatt mga bes, gagaling niyo kanina" papuri ko sa kanila. Nginitian lang nila ako haha.

"Omaygatt bakit nakangiti kayong lahat, walang nasalita except sakin" tanong ko dito. Kinulit ko muna si Theo dahil wala namang nagsasalita.

"Bakit ang tahimik nila?" tanong ko dito.

"Di ko din alam e. Baka nawalan ng boses" hahaha parang ewan talaga to si Theo.

"Ikaw talaga haha. Grabe ka magconclude"

At dahil walang may balak magsalota ay hinigit ko muna si Alex at lumabas kami.

"Uyyyyyyy! Bat ang tahimik niyo?" tanong ko dito

"Kumpleto na kami" lutang nitong sagot. Putek anong pinagsasabi nito? Di ko siya magets

"Ha? Kumpleto? Di kita magets"

Kinuwento sakin ni Alex yung ibig niyang sabihin. Naghahanap pala yung company nila ng isang rapper at isang vocal at dancer para sa banda nila, kaya pala. Buti nalang nagpa-talent portion ang prof namin kaya nakahanap sila ng mapipili at ang napili nila ay si Tim at Cody. Grabe yung tahimik at cold na taong yun napili? Sabagay galing naman kasi magrap. Pati na rin si Tim haha.

Bumalik nalang uli ako sa upuan ko at kinuha ang mahiwaga kong make up kit, kailangan ko na kasing magretouch e

------------------------------------

Tim

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa gusto nila, hindi naman nila ako pinilit na sumali sa kanila. Sadyang may kung anong pumasok sa isip ko at um-oo sa gusto nila.

"Bukas ito-tour namin kayo sa studio namin" masayang sabi ni Kyle

"At ipapakilala narin namin kayo sa head ng management" - Theo

"Kaya Tim and Cody maghanda na kayo para bukas. See you" paalam samin ni Alex. Tsaka sila lumabas lahat. Haytss! Wala na talagang atrasan Timothy, tiningnan ko si Cody na sinalpak ang earphones niya tsaka umalis. Ba't ang hilig nilang magsiag-alisan? Anong meron?

Kinuha ko na rin ang bag ko tsaka nagmadaling lumabas ng room, narinig kong tinatawag ako ni Audrey kaso hindi ko na siya nilungunan kasi nagmamadali akong makauwi. Papaalam muna ako kina Mommy tungkol sa gagawin ko bukas at sa mga susunod pa.

Nagmadali akong sumakay sa sasakyan ko at sinabihan ang driver na dalhin agad ako sa bahay. Hindi naman ganon nagtagal ang byahe ko at wala pang dalawang oras ay nakarating na agad ako sa bahay. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay namin sa school, mga pitong station ng LRT mula sa V. Mapa hahaha. Malayo na pala yun?

Hindi ko pwedeng sabihin yung exact address ko pero malapit na ako don ^_^

Pagkapasok ko sa bahay ay agad kong hinanap si mommy, buti nalang at agad ko siyang nakita sa may kitchen na naghaahnda ng merienda. Ganyan nalang siya lagi, kapag sasapit ang ika-apat ng hapon ay siya ang naghahanda ng pang merienda namin. Mabait si mommy, hindi ko maexplain kung bakit pero sobrnag bait talaga niya.

"Mom" tawag ko dito, tumakbo ako palapit sa kanya tsaka niyakap siya. Namiss ko agad si mom kahit ilang oras lang kaming hindi nagkasama.

"Ikaw talaga haha. Mamaya ka an manlambing, nagbe-bake pa ako"

"Wow Cookiessss! Favorite ko talaga yan e"

"Kung gusto mong makakain neto, magbihis ka na"

Nagmadali akong umakyat sa taas para magbihis. Excited na ako sa binake ni mommy e, kailangan madami akong makain lalo na't peyborit ko to.

Sumilip muna ako sa kwarto ni Kuya para tingnan kung anong ginagawa niya pero wala siya don. Hays san na naman kaya pumunta yon?

Binilisan ko lang magbihis at nagmadaling bumaba, mabutu nalang na saktong naglalagay na ng cookies si mommy sa table. Agad akong kumuha ng isa bago umupo

Flaming the Cold Heart of YOURSWhere stories live. Discover now