Chapter 7

46 7 18
                                    

Audrey's

Kasalukuyan kaming nasa lagoon ng kasama si Brian at nakatulalang nakatingin sa isa't isa. Ewan ko ba kung bakit kami nagkaganito e, natapos lang ang performance ni Cody naging ganto na kami. Ano kayang ginawa niya at naging ganito kami?

"Ka-ka-in na tayo" sabi ko nalang sa kanya para matigil na ang pagtititigan namin. Ayokong mukha kaming ewan na nagtititigan lang dito.

"A-anong u..lam mo?" tanong nito sakin. Nanginginig ako habang inilalabas ang pagkain ko na nasa bag. Bakit ako nagkakaganito. Why why why?

"Sheeeeeeeeeetttttttttt bakit nagkakaganito tayo. Ayoko ng ganito, okay inhal exhale muna tayo para hindi tayo mukhang ewan dito" sabi ko dito.

Natawa naman si Brian sa sinabi ko at sinunod nalang ang gusto kong mangyari. Ayan, medyo okay na kamj. Nakakarelax siya grabe. Nagsimula na rin kaming kumain para makabalik na rin kami agad sa room, ayoko na dito sa lagoon e. Ang init tsaka magulo.

"Gusto mo ng drinks? Libre na kita" yaya nito sakin. Eer hindi naman ako nauuhaw e para saan pa.

"Hindi ako uhaw Bry. May tubig din ako sa bag"

"Eeh, mas masasarap mga drinks dito. Dali na wag ka nang mahiya, anong gusto mo? Shake? Ice Cream Shake? Palamig? Softdrink?"

Okay. Sabi naman niya e, ano bang gusto ko? Shake na may ice cream waahhh. Dami kasing masasarap na pagkain dito e nakakatempt bilhin lahat nakakahiya nga lang sabihin kay Bry.

"Ice cream shake please" pagpapacute ko sa kanya.

"Ilan gusto mo?" ang cute niya ngumiti. Wala nang mata haha.

"Isa lang syempre, anong akala mo sakin matakaw? No way besh" pagmumukhain pa ako nitong patay gutom e

"Ayaw mo ng madami? Sayang naman" tsaka ito nagpout. Maygad bakit ba siya ganyan, ayoko niyan. Mukha siyang ewan.

"Wag ka ngang magpout ang panget mo e" pang-aasar ko dito. Kumuha na ako ng straw at tissue para sa shake namin, binigyan ko na rin si Brian na nakasimangot na.

"Whats with that face?"

"Ang gwapo ko kaya pag nakapout" okay. Yun lang pala problema niya -_-

"San banda Brian?" sinubukan kong hanapin ang sinasabi niyang gwapo.

"Dito" sabay tingin sa ibabang parte niya. Napatingin naman si ako, saka ko lang narealize na yung *toot* pala yung tinuturo niya.

"Byuntaeee kaaa *pak* waahhh" hinampas ko siya sa balikat. Ang bastos bastos na bata, malibog na ewan.

"Atleast gwapo" omaygatt humirit pa

"Gwapo nga pandak naman" bulong ko.

"Ha? May sinasabi ka?" Halaa, baka narinig niya ang sinabi ko.

"Sabi ko gwapo mo bingi ka lang" nako nako. Baka bawiin ang libre kapag narinig niya, pandak pa naman hahahaha. Maabutan ko na nga e ^_^ tangkad ko talaga.

Nang makuha ang order ay kumain na kami habang umaakyat pabalik sa room. Grabe! Grabe lang. Nasa third floor palang kami ubos ko na yung akin samantalang yung kay Bry e wala pa sa 1/4 ang nababawas. Yung totoo? Takaw ko na ba talaga.

Pagkarating sa room ay agad na bumungad sakin si Nathan na ang laki ng ngiti, bat lagi nalang masaya to wala ba siyang nararamdamang problema?

Buhay na buhay ang classroom dahil kung ano ano ang pinaggagawa nila, may mga naghahabulan, may nagsisigawan samantalang kaming nasa likod ay nagkekwentuhan. Kaming walong nasa likod ah. Kasama si Cody, buti nga nakisali siya e.

Flaming the Cold Heart of YOURSWhere stories live. Discover now