"Bakit hindi ka pa nagbibihis?" Nakasimangot na puna ko dito. Tiyak na mahihirapan na naman akong labhan ang uniporme nito.

"Nakasarado po iyong bahay natin, Ate." Ginulo ko na lang ang medyo mahaba na nitong buhok. "Halika na. Magbihis ka muna bago ka mag laro. May pasalubong si Ate sa'yo." Nagningning naman ang bilugan nitong mata.

"Ava, pinapatawag ka sa school." Lumapit si Kristal at iniabot ang isang sobre. Alam kong sulat iyon galing sa school ni Amiel. Napabuntong hininga na lamang ako. "Huwag mo ng pagalitan ang kapatid mo at pinagsabihan ko na siya." Kaibigan kong matalik si Kristal. At siya ang madalas na pinag iiwanan ko sa kapatid ko.

"Kakausapin ko na lang siya."

"Natanggap ka ba sa pinasukan mo?" Tanong nito.

"Hindi e. Kailangan daw ay fluent sa english. Nakakaintindi naman ako ng english at marunong akong magsalita pero hindi naman ako fluent sa english." Napasimangot ako noong maalala ko iyong sinabi ng nag interview sa akin.

"You're credentials are passable and you can speak english. But our company needed someone more knowledgeable. And someone with experience. Though we are giving an opportunity to those who doesn't have an experience but I'm sorry...."

Hindi ko maiwasang manghinayang dahil malaki sana ang kikitain ko kung sakaling natanggap ako. Pero sabi nga nila kung hindi ukol, hindi bubukol.

"Bakit kasi hindi ka na lang mag apply na secretary. Secretarial ang natapos mo. Saka mabuti sa ganoon ay may experience ka na." Suhestyon ni Kristal.

Noong huminto ako sa pag aaral ay accounting ang kurso ko. Pero dahil sa ginawa ni nanay kaya wala akong nagawa kung hindi tumigil na lang. Natapos ko ang isang taon sa college pero dahil sa taas ng standard dito sa manila ay nahirapan din akong makahanap ng trabaho. Kaya naman nag aral ako sa tesda ng secretarial at sa loob lamang ng anim na buwan ay nakatapos ako.

"At ano? Hahayaan ko ang mga boss ko na bastusin ako?" Lalo akong naasar.

Dati akong nagt-trabaho bilang secretary sa isang law firm. Pero ang walang hiya kong boss ay gusto akong gawing kabit.

"Hindi naman lahat ay ganoon." Sumunod siya sa akin papasok ng tinitirhan naming bahay. Naghila ng isang monoblock at naupo doon. "Malay mo makatagpo ka ng mabait na boss. Hindi naman lahat ng boss ay kagaya ni Atty. Capindig."

"Susubukan ko ulit maghanap ng trabaho bukas. Para sa kapatid ko." Nilingon ko ang kapatid ko na kasalukuyang maganang kumakain ng pancit.

"Mamaya pupuntahan ko si Elena. Itatanong ko kung nangangailangan iyong boss nila ng secretary."

"Si Elena Kalungsod? Hindi ba ay sa hotel iyon nagt-trabaho?" Isa din sa kaibigan niya noong high school si Elena.

"Oo. Nakwento niya kasi noong isang araw na naghahanap ng secretary iyong big boss niya. Itatanong ko kung nangangailangan pa. Malay mo iyon ang para sa'yo." Napangiti na lang ako. Maaasahan talaga itong si Kristal.

"Salamat ah."

"Ito naman. Wala 'yon. Para namang hindi tayo magkakaibigan. Ang magkakaibigan nagtutulungan."

Kinabukasan ay kaharap niya ang guro ni Amiel. May kasama itong batang lalaki na sa tingin niya ay mas matanda ng isang taon sa kapatid niya. Nandoon din ang nanay ng bata. Habang si Amiel naman ay nakayakap sa mga binti niya.

"Ikaw ba ang Nanay ng batang ito?" Mataray na tanong ng Nanay ng bata.

"Ako po ang Ate niya. Ano po bang nagawa ng kapatid ko?" Alanganin akong tumingin sa guro ni Amiel. Kilala na ako nito dahil ilang beses - i mean maraming beses na akong napapatawag dahil sa madalas na pakikipag away ni Amiel. Pero kilala ko ang kapatid ko. Hindi siya makikipag away kung wala kang ginagawa sa kanya. Kahit kailan ay hindi pa nagsimula ng gulo si Amiel. Pero kagaya ng palagi nitong sinasabi. Lumaban lang ito dahil ayaw nitong inaapi ito.

His Pretend Wife (Completed)Where stories live. Discover now