"Yeah, thank you na rin at least ako ang nagbebenefit sa mga inaayawan ni Mich," she grinned.

Sana kasama ka sa ayawan niya para sa 'kin ka na mapunta, sabi ng isip niya.

"Sinasadya mo yata eh," biro nito na inilapit ang mukha sa kaniya at matamang tinitigan siya sa mga mata.

"Oy, hindi ah!" depensa niya habang iniiwas ang tingin dito.  "Naiinip na kasi ako sa kakahintay na kumilos ka.  Two weeks na kayong cold sa isa't isa pero wala ka man lang ginagawa."

"Busy po kasi ako, Miss.  Final four na kaya," sarcastic na sagot nito. Pinaalala pa nito na nasa semis na ang team as if hindi niya alam.

"Eh ano naman?  Dapat palagi kang nagseset aside ng time para sa girlfriend mo kahit gaano ka kabusy."

"Part ka ng sports admin, dapat sports and studies ang sabihin mong priority ko bilang student-athlete. Bad influence ka!"  Nagulat siya nang pabirong pitikin nito ang noo niya.

"Aray, masakit 'yun ah!" reklamo niya sabay hawak sa noo.

"Ay, sorry, sorry!"  Hindi siya nakakilos nang alisin nito ang kamay niya na nasa noo. Sinapo ng dalawang kamay nito ang mukha niya at inilapit ang mga labi para hipan ang noo niya.

Juicecolored!  Pwedeng pakihinto muna ang orasan at i-freeze ang moment na ito nang mga fifty years? Ramdam niya ang mainit na hininga nito sa noo niya at hindi niya mapigilan ang paggapang ng kilabot sa katawan niya.

"Am I interrupting something?"

Agad siyang binitawan ni Ricci at nilingon ang nagsalita sa pinto.

Sinabing i-freeze muna eh! Pang-asar talaga 'tong si Aljun, reklamo niya sa isip niya.

"Bro, napadaan ka?" bati ni Ricci. Palipat-lipat ang tingin ni Aljun sa kanila ni Ricci.

"Si Mika talaga ang sadya ko, bro," sagot ni Aljun habang tila nagtatanong ang tingin sa kaniya.

"Tara na ba?" tanong niya rito. She looked at her wristwatch. "Ten pa lang eh.

"If you're free now, we can go na para makapaglunch pa tayo," sagot nito.

"Teka, ano'ng tara? Ano'ng lunch? Saan ang punta niyo?" singit ni Ricci.

"May taping si Aljun sa The Score, Cci. Chaperone ako as usual," paliwanag niya.

"Kayong dalawa lang?" muling tanong nito na bahagyang nagsalubong ang mga kilay.

"Oo.  Gusto mo bang sumama, bro?" natatawang tanong ni Aljun dito. Hinayaan niyang mag-usap ang dalawa habang nagliligpit siya ng gamit.

"Bakit sa labas pa kayo maglalunch? Dito na lang para makasama ako," narinig niyang sabi ni Ricci.

"Naman, bro! Ang tagal kong hinintay 'tong date namin ni Mika tapos sa caf ko lang siya papakainin?" sabi ni Aljun sa tonong nagbibiro.  Kinindatan pa siya nito nang mapatingin siya rito.  Nailing na lang siya habang napapangiti.

"Date?!  It's not a date, Aljun... it's work.  Remember that," seryosong sabi ni Ricci.  Tila bigla itong nairita.  "Miks, can I come?" baling nito sa kaniya.

"Ano'ng 'can I come' ka diyan??  May class ka pa mamayang eleven, huy!" sagot niya.  Sinimangutan naman siya nito.

Tumayo siya at nilapitan ito.  "Makipagbati ka na kasi sa girlfriend mo para may kasabay kang maglunch then go to class after.  Kami naman ni Aljun eh aalis na para hindi kami matraffic."

Idol QueenWhere stories live. Discover now