Chapter 20

8.5K 150 15
                                    

Note: Oh my gosh! Chapter 20 naaaa~ >.< at bakit wala pa akong plano para sa ending neto? deymn! bahala na si batman! mahal naman niya ako eh mouhahahaha! XD

_____________________________________________________________

Ionna

Masama pa din ang tingin sa akin ni Min habang nakaupo ako sa sofa, huh! convinced na convinced pa din ang kumag na ako nga ang nagsumpa sa kanya! tss =___= bahala siyang mapraning forever! tanda tanda na naniniwala pa sa mga sumpa sumpa na yan! hay naku kung tunay nga ang mga sumpa ko sa kanya malamang puro bulutong na ang mukha niya! nagkaelephantiasis na din siya at pumangit na siya ng bonggang bongga!

Pero bakit habang tinitignan ko siya bakit? parang lalo siyang gumwapo? he was sporting a brand new hair do na bumabagay sa napakagwapo niyang mukha, and his built got better, hindi ko masisisi ang lupon ng mga kababaihang humabol sa amin kanina na kulang nalang yata ay kanin ay uulamin na si SungMin! =_____= na kung ako ang masusunod ay ang sarap lang nilang lahat na balatan ng buhay at ipakain sa iguana.

Ate Elle naman kasi eh! bakit mo naman ako iniwan dito? kaya ko naman ang sarili ko eh! mas delikado pa nga yata ang lagay ko sa bahay na ito, kahit pa sabihin mong andito naman si Kaori at yung ibang Lady Killers ay baka mamatay pa din ako dito! 

Gone were the lanky boys who used to be the school's princes, in front of me were the men na binansagang isa sa mga pinakagwapong nilalang sa showbusiness music category. Sanay na akong nakakakita ng mga gwapo dahil gwapo naman ang kuya ko at mga barkada niya, pero kasiii >.<

Si JinYoung na medyo payatot noon at prinsipeng prinsipe ang dating, ngayon prinsipe pa din pero hindi na bebe prince kundi hot prince na!

Si Baro na dati ay chickboy at parang batang makulit lang noon ngayon nagmature na ng onti pero hindi padin, lalo lang siyang gumwapo, pero ano nga kaya ang connection sa kanya ng unnie ko?

Si Lee naman ay as usual kadikit pa din si Kaori, pero sa tingin ko lalong mahihirapan si Kaori dahil lalong gumwapo si Lee!

At si Gongshi...

"Hi Ionna! andito ka pala ulit! nagkabalikan na kayo hyung? wow nice after 6 years kayo pala ulit congrats!" narinig kong sabi ni Gongshi paglabas niya ng kwarto niya

O_O omo! ang gwapo niya lalo!

"Hoy mangkukulam! Yang laway mo punasan mo tumutulo!" biglang sabi sa akin ni Min, agad naman akong napahawak sa labi ko at! anak ng pusang kinalbo o! wala naman eh! pinagttripan nanaman ako ng echuserong piglet na ito! Damn him!

"Pwede ba mayabang na piglet tigilan mo ako, kundi iihawin kita! wag kang mag-alala dahil pagbalik ni Ate Elle lalayas na ako dito" sabi ko sa kanya sabay irap, narinig ko naman ang hagikhik ni Kaori at sabay pa kaming napalingon when she held her hands up.

The Witch and The WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon