Chapter 1

30.9K 402 47
                                    

Dedicated to: Jan Jennica Ionna Ambray! I may not have perfected your personality here sis but I hope you forgive me...this cute story just popped outta my head in a bang! so I hope you like it! and sorry kung ginawa kitang witch pero kung witch ka man ikaw na ang coolest, prettiest and best witch ever! hehehe sana magustuhan mo sorry TT^TT

______________________________________________________________

Nagising si Ionna na parang minamartilyo ang ulo, inisip niya kung bakit kaya? Eh maaga naman siyang natulog kagabi? Bumaba si Ionna para uminom ng tubig, napangiti siya ng makita ang malinis na bahay, mag-isa lang niya sa bahay niya simula’t sapul naman kasi mula pagkabata ay mag-isa na siya ang mga magulang niya? Ayun nasa wallet niya ATM Card at Credit Card. Ang mommy niya ay isang international model at ang daddy niya ay isang politician kaya parehong walang oras sa kanya tanging ang tita lang niya ang tumitingin tingin sa kanya once a week sa mansiyon nila na wala din namang katulong.

Introvert kasi si Ionna by nature kaya naman pinili niyang mag-isa lang mas gusto niyang nag-iisa sa bahay dahil mas malaya siyang nakakagalaw. Maayos ang buhay ni Ionna, maliban sa isang salot! Ang kapitbahay at kababata niyang si Sung Min! ang walanghiyang lalaking iyon na intrigero! Daldalero! At higit sa lahat ay usisero!

Ionna’s POV

There you go nag-intro na si Ate Helenaelise para sa akin, first person at third person story ito eh! Okay! Magbalik tayo sa usapan! Ang walanghiyang lalaking iyon! Siya ang dahilan kung bakit ako isolated sa eskuwelahan! Oh well better for me dahil ayoko naman talagang makipag-associate sa kahit kanino. Ang kasumpa sumpang kapit bahay ko na yun, na kaklase ko lang naman sa bawat taon na inilagi ko sa paaralan. Ang daldalerong iyon ang dahilan kung bakit ang bansag sa akin sa eskuwela ay mangkukulam! Eh paano? Ang hudyo na iyon! Nakita ako minsan na nagbabasa ng Life of a Wiccan na libro (with instructional aids kase yung book na yun) <gawa gawa lang ni Helenaelise yun wag niyo na hanapin> so ayun nakita niya akong nagbabasa nun at sinubukan kong sindihang ang kandila eh tinawag na niya akong witch at pinagkalat sa buong eskuwelahan namin! At ang mga tatanga tanga ko namang kaeskuwela! Walanjo pati mga guro! Naniwala! Mangkukulam na daw ako officially sa school namin! So yeah ayun! Leshe siya sa buhay ko! Eespadahin ko siya ng bente pag nakita ko siya!

Anyway okay lang naman sa akin na i-isolate nila ako sa school mas masaya pa ako ng ganoong lagay, walang ibang taong kailangang alalahanin at bigyang konsiderasyon..walang bubulabog sa tahimik kong mundo... masaya! Ang tanging salot lang... ay yung Sung Min na leshe na yun! Kahit iniiwasan na ako ng buong school siya ay walang takot pa din sa akin! =______=” maybe I should give him something to fear.

Lumabas ako ng bahay... bagong semester nanaman! At pinagdarasal ko sa lahat ng santong kilala ko na sana sana sana sana hindi ko na kaklase ang pangit na kumag na yun para matiwasay na ang buhay ko!

Actually hindi naman pangit si Sung Min eh... campus prince nga siya sa school namin, cute siya...chinito, matangos ang ilong, maputi at maganda ang buhok..whoa there Ionna! Ano sinasabi mo jan ha? Ang Sung Min na iyon ang isinugo ng demonyo para gluhin ang tahimik kong buhay!

“Hi there  Witch Jen Jennica Ionna Ambray! Siguro naman kaklase pa din kita ano?” masayang bati nito sa akin paglabas na paglabas ko palang sa gate nandoon siya sa front porch ng bahay nila at nakasandal sa bisikleta niya. See no evil Hear no evil Ionna. Sabi ko sa sarili ko at nilagpasan ko lang siya.

The Witch and The WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon