Chapter 6

10.9K 203 24
                                    

 Note: Sarreh! at bugbog sa pagod ako ngayon, kaya forgive me if short ang magiging hapdeyts ko.

Min's POV

“Si Ionna?” tanong sa akin ni Aston-hyung, oo you heard me, hyung nga kase kaibigan siya ni Baro actually family friend siya ni Baro, since namumutiktik ang kasikatan niya ay nakikihyung na din kami sa kanya. Per ano nga ba ang ginagawa niya dito? Ka-ano ano niya si Ionna? Si Volt Aston Martins and pinagkakaguluhang basketball heart throb sa eskuwelahan namin ay narito ngayon sa bahay ni Ionna the Witch. Wait, wag mong sabihing...kinulam niya si Aston-hyung?!

“Aston-hyung! Ano po ang ginagawa niyo dito?” napaamang na tanong ko,  mataman nito akong tinignan, until recognition flooded his face.

“Min? ikaw pala yan! Hindi kita nakilala, bakit ba may apron ka pa bro?” tanong nito sa akin, napahiya naman ako bigla, oo nga pala kasi naghuhugas ako ng pinagkainan namin ni Ionna, shit malamang mukha na akong bading neto , agad-agad kong tinanggal ang apron na nakatali pa sa likuran ko.

“Ah eh...” tengene lang, ano ba ang sasabihin ko? Malamang nakakahiya ako pag sinabi ko na inaalipin ako ng mangkukulan na iyon! Teka ! =____= ano ba ang sasabihin ko? Kung bakit naman kasi kelangan pang pumunta nito dito ngayon, pag nalaman ng mga kaibigan ko, malamang sa malamang pagtatawanan nanaman ako ng mga iyon.

“Aston?” isang tinig ang narinig namin, it was Ionna, nakatayo ito sa may pinto ng kanyang pintuan, agad na sumilay ang isang ngiti sa labi ni Astron at sa gulat ko ay...O_O bigla niyang niyakap si Ionna!!!!

Ewan ko kung bakit pero naiiinis akong makita na may kayakap si Ionna! Whoa there Min! ano na ba ang iniisip mo?!

“Ano ba ang ginagawa mo dito?” sabi ni Ionna at tinulak si Aston palayo, huh! Buti naman! Kundi ako na mismo ang magtutulak jan! badtrip ah? Makayakap? Girlfriend? Ako nga ni hindi ko pa nayayakap si Ionna, siya nalang? Itong babaerong kumag na ito? Buntalin ko ito eh! Oo! Nakakabadtrip nga talaga! Kase naman di ba? Kahit papano naman eh...

eh...

bakit nga ba?

Kasi syempre! Kaklase ko din siya! 

Tapos ano pa ba...ahm...ang ganda niya ngumiti, ang ganda niya tumawa din..tapos kahit naman ganun siya feeling ko mabait din siya, wala lang nakaka-alam, at ako ang unang makaka-alam kung bakit! Kaya hindi pwede siyang lapitan ni Aston hyung! Ibang babae nalang ang paglaruan niya, wag si Ionna hindi ako papayag!

“Namiss kita eh! Masama ba iyon?” sabi ni Aston-hyung! Aba talagang! Grr! Calm down Min, calm down.

“Hindi kita namiss” sabi ni Ionna flatly! Hah! Ano ka ngayon Aston!

“Talaga? Kahit sabihin ko na may dala akong blueberry cheesecake?” sabi nito in a sly smile and for the second time this day! Nakita ko ang napakagandang ngiting iyon ni Ionna! What the--? Ako pahirapan siya pangitiin samantalang it only took Aston a blueberry cheesecake to get a smile out of her! Unfair!

Agad na tumakbo si Ionna na parang bata palapit sa cake na dala ni Aston-hyung, it was like seeing her for the first time, acting like a kid fawning over a cake. At nakakainis! Nakakainis iyon makita!

Oo aaminin ko na, nagseselos ako! Nakaka-asar eh!

“Akin na yan!” parang batang inaagaw ni Ionna kay Aston yung cake, psh! Grr nakakainis sila panoorin! Ako dapat yan eh! Kung alam ko lang na mahilig siya ng blueberry cheesecake,kahit limang bilyon pang blueberry cheesecake yan ibe-bhake ko kung ganyan din siya sa akin.

“ehem!” tumikhim ako ng mag-agawan ang mga ito sa cheesecake, agad namang napatingin ang dalawa sa akin.

“Ionna bakit nga pala andito si Min, I didn’t know na magkakilala kayo?” nakangiting sabi ni Aston, na hindi man lang yata nagseselos na may ibang lalaki sa bahay ni Ionna, ganun talaga kalaki ang bilib niya sa sarili ano?

“he lives next door” she mumbled! Kuu~ >.< nakakainis! Kanina pa ako naglilinis ng bahay mo, nagluluto ng pagkain mo tapos ikakaila mo ako? Teka nga ano ba ang gusto kong sabihin niya? Na inaaalila niya ako? =___= sana man lang sinabi niya na boyfriend niya ako di’ba?

O_O

Min! bulyaw ko sa sarili ko! Urgh! Nakakainis! Ano ba ang nangyayari sa akin? Don’t tell me I am crushing on that witch?! Oh no! no no no no no! that’s impossible haha! Gutom lang yan Min.

“Weh?” tanong ni Aston sa kumakain na si Ionna, sabay dakot ng tissue upang punasan ang gilid ng labi nito! +_+ grrr! Sumosobra na ito ah?! Nakakatatlo ng foul! saka matamang tumingin sa akin, ano ba kasi ang ginagawa nito dito?

"Ginagawa niya akong slave" sabad ko naman, nanlaki ang mata nito at si Ionna naman ay naningkit ang mga mata at tumingin sa akin.

"Bakit ka pumapayag?" tanong nito na parang gulat na gulat, ha? ano ba ang problema nito? eh bakit? nagseselos siya?

"Okay lang" sabi ko at nagkibit balikat, napanganga ito sa gulat. At sa gulat ko ay dali dali itong lumapit sa akin.

"MIN!!!" sigaw nito, napa-ayos ako ng tindig ko

"Ano ka ba hindi ka dapat nagpapa-under?! alam mo bang hindi ka dapat pumapayag ng ganyan?" sigaw nito at niyugyog pa ako, teka...u-under?! a-ano ba ang sinasabi niya? hindi ba eh gusto din niya si Ionna? teka...ano ang nangyayari?

TInignan ko si Ionna na parang nagtatanong pero nagkibit balikat lang ito 

"Hindi ka dapat nagpapa-under sa isang babae kahit gaano mo pa siya kamahal!" sabi nito, nasisiraan na ba ng bait si Aston-hyung?

"Eh bakit ikaw kay Ate Lena?" sabad naman ni Ionna

"Ibang usapan yun! tsaka hindi kaya ako under!" sabi nito, oo nga pala balita sa school na pinopormahan niya ang dating nerd na si Lena Cathena Montez at mukhang nahihirapan siya.

"Hoy Ionna, ayoko ng ginagawa mo, umayos ka" sabi nito sa kanya, teka ano nga ba ang relasyon nila

"Maayos naman ako ah? ikaw nga itong nanggugulo eh, may bahay ka naman nang-iinvade ka pa ng territory" mataray na sabi nito tsaka sumubo ulit ng cake

"Teka nga! magka-ano ano ba kayo?!" tanong ko sa kanila

"Magkapatid kami sa ama"

O_O

M-magkapatid? a-ang witch na ito! at si Aston hyung na tinitingala namin?! magkapatid?! Hmm...maybe I could use this for my benefit, *smirk* magkapatid pala ah?!

"Grabe Aston-hyung! yang kapatid mo sobra ako alilain!" pagsusumbong ko kay Aston-hyung, hahaha! akala mo ah?!

"Ionna?!" hindi makapaniwalang tanong nito, nginisian ko lang si Ionna

Ionna's POV

Walanghiyang Min ito! Iniinis talaga ako! how dare him na isumbong ako kay Kuya Aston! Pinanlakihan ko siya ng mata habang patuloy pa din sa paglilitanya si Kuya Aston

"Hayy nakakapagod ka talaga pangaralan! Bahala ka na nga! wag mo masyadong inaalila si Min I tell you" sabi lang nito, I reluctantly nodded nakakainis! nasesermunan ako ni Kuya ng dahil sa Min piglet na ito! naghaungkat saglit si Kuya sa bag nito, at inabot sa akin ang isang invitation.

"Birthday ni Dad sa saturday, pumunta ka daw" sabi ko

"Ayoko" matigas na sabi ko

"Teka..Aston-hyung yan ba yung party kung saan kami tutugtog?" tanong ni Min, oo nga pala magkaibigan si Dad at ang papa ni Baro, knight din kase..oh myyyy! kung lahat sila pupunta! may chance na makita ko si Gongshi! *O*

"Lahat kayo pupunta?" tanong ko

"Hmm...oo" sabi nito *________* I need to make another potion! alang alang sa pag-ibig ko kay Gongshi!

"Sige kuya pupunta ako" sabi ko nalang kay Kuya Aston

Gagawa ako ng panibagong gayuma for Gongshi!

And I won't fail this time! Sisiguruhin kong siya ang makakainom!

__to be continued

The Witch and The WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon