"Kailangan kung makaalis sa bahay na 'to, ayaw kung umabot sa punto na kakaladkarin nila akong palabas. I know masaya na ngayon ang Impaktong Frank na yun dahil nakuha na niya ang gusto niya sa'kin. Ganun naman ang mga lalaki kapag nakuha na nila ang pagkababae mo ay agad kang pinagsawaan kaya agad-agad ka nilang papalitan. Mga bweset." Kausap nito ang sarili habang umiiyak.

Samantala halos liparin naman ni Frank ang daan makarating lang ito sa kanyang bahay. Hindi na nito hinayaan pang sumama ang pinsan niyang si Andrea para magpaliwanag kay Erica. Si Andrea ay kakambal ito ng pinsan ni Frank na si Andrie. At dahil walang kapatid si Frank kaya close siya sa dalaga.

"Umuwi ba dito ang ma'am Erica niyo?" Agad nitong tanong sa security guard ng bahay niya pagkarating nito.

"Yes! Boss, umiiyak po siyang pumasok sa loob." Ang kakamot-kamot na sumbong nito kay Frank. Kaya patakbong pumasok sa loob kabahayan si Frank. Sa pangalawang palapag agad siya tumuloy kung saan ang silid nila ni Erica.

Pagbukas niya ng pinto ay kita nito agad ang umiiyak na si Erica habang nilalagay ang mga gamit nito sa loob ng maleta. Kaya agad inagaw ni Frank ang maleta at itinapon kung saan sabay sara niya ng pinto.

Dahil sa ginawang pagtapon ni Frank ng maletang paglalagyan sana ni Erica ng mga gamit niya ay mas lalo siyang napaiyak. Ngunit agad din nitong pinunas at tinuyo ang walang humpay na pag-agos ng luha niya sabay hakbang niya ng mga paa upang lumabas ng silid.

"Hindi ka lalabas ng silid na ito hanggat hindi tayo nag-uusap." Ma-awturidad na saad dito ni Frank.

"Let me go, babalik na ako kung saan ako galing noon. Doon naman ako nababagay e, hindi dito." Anitong bigla na naman pumatak ang mga luha na agad din niyang pinunas. Kahit naninikip na ang dibdib niya dahil sa pag-iyak ay pinilit parin niyang magpakatatag.

"No, your not going anywhere. At pwedi ba makinig ka muna sa'kin." Galit na ani Frank sa dalaga na mas lalong nagpabigat ng dibdib niya.

"It's okey Frank, ako na mismo ang aalis ng bahay mo. Pasensya na nagkalat tuloy ang mga gamit ko dito. Ipalinis muna lang ng walang kalat kapag dumating ang bago mong babae." Anitong kinapantig ng tainga ni Frank kaya ang lampshade ang sinipa niya sa galit. Napaigtad naman si Erica dahil sa ginawa ng binata ngunit nanatili siyang matatag na nakatayo.

"Where the hell you got that bullshet idea?" Galit nitong tanong kay Erica.

"Please, let me go Frank. Habang may natitira pa para sa sarili ko. Dahil baka hindi ko kayanin kung wala ng matitira para sa sarili ko. Dahil kunting-kunti na lang ay hulog na hulog na ako sa'yo." May pagmamakaawa na nitong aniya kay Frank palabasin lang siya ng binata. Dahil naninikip na ang dibdib niya at nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa pag-iyak kanina pa.

"No, I said your not going anywhere. And could you please, stop crying for God sake." Ani Frank sabay hilamus nito ng mukha gamit ang dalawang palad.

"Look, mali ang iniisip mo. That girl is my cousin, si Andrea." Anitong lumambot na ang aura ng mukha niya na agad nilapitan ang napipilang si Erica. Parang nag-echo sa pandinig niya ang tinuran ni Frank na pinsan nito ang babaeng pinagselosan niya.

"Ang tanga-tanga mo talaga." Sita nito sa sarili sa pamamagitan ng isip.

"Walang ibang babae sa buhay ko, tanging ikaw lang. Kaya please trust me baby, hindi kita niluluko. Dahil gago nga ako pero hindi naman sinungaling pagdating sa mahalagang tao sa buhay niya. And your are the most special girl in my life. Ikaw yung taong hindi ko kakayaning mawala. Mawala na ang lahat wag lang ikaw dahil baka hindi ko kayaning bumangon ulit." Seryoso nitong turan kay Erica na biglang pumatak ang isang butil ng luha sa kanyang pisngi na agad din tinuyo ni Frank gamit ang hintuturo niya.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Where stories live. Discover now