Chapter 1: Welcome to Artasia Academy.

77.8K 1.7K 343
                                    


Chapter 1: Welcome to Artasia Academy.
-

Isang linggo na ang nakalipas nang i-celebrate ko ang 18th birthday ko. Today is the first day of vacation, when I don't have to go to school I really like to hang out at home with my mom but this time, it's very different from usual. Napagkasunduan kasi namin na magbabakasyon ako ngayon sa isang lugar without her by my side.

At first hindi talaga ako sangayon, it was too sudden pero sabi niya ay kailangan ko raw iyon, na hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi ko siya, that's when I realized na I should act my age, 18 na ako and I need to enjoy my life to the fullest.

"Eira anak, let's go. Naghihintay na si Seth sa labas." tumayo na ako at kinuha ang maleta ko. To be honest, I'm really excited about this vacation but something's bothering me. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin alam kung saang lugar ako dadalhin ni mama.

Pagbaba ko ay agad kinuha ni tito Seth ang mga dala ko. Matalik siyang kaibigan ng parents ko and at the same time, nagtatrabaho siya bilang family driver at bodyguard namin ni mama. Nasa ibang bansa kasi si papa kaya kinailangan niya ang tulong ni tito Seth.

"Ma, saan ba talaga ako magbabakasyon? It's been one week already nang mapagusapan natin 'yon pero hanggang ngayon wala pa rin akong ideya kung saan mo ako pagbabakasyunin." sabi ko nang mag umpisa na kaming bumyahe. She just smiled at me, wala talaga siyang balak ipaalam sa akin.

Throughout my childhood I lived quite a sheltered life. Most of the time nasa bahay lang talaga ako. Masasabi ko na ngang anti-social o outcast ako. Hindi ko alam kung bakit pero ganun ako lumaki, if I still remember isa lang ang naging kaibigan ko pero naglaho siya ng parang bula.

"Ma, where exactly are we going?" I asked out of curiosity , tumingin ako sa labas ng bintana. Nasa kagubatan na kami, wala akong nakikitang establishments at malayo na kami sa main road. Seriously where are we? Bago pa ako magtanong ulit ay hininto na ni tito Seth ang kotse, bumaba sila kaya naman bumaba na rin ako. Wala akong nakikitang bakasyunan sa hinintuan namin, don't tell me na dito sa gubat na ito ako mag s-stay?

"Maㅡ" hindi ko na nagawang ituloy pa ang sasabihin ko nang may bigla na lang sumulpot na lalaki sa gilid namin, lumapit ito sa amin at yumuko na para bang nagbibigay galang.

"Sorry anak, I know it's too sudden but you're going with him, siya na ang magdadala sa'yo doon. Sila ang makakasagot sa mga tanong na gumugulo sa isipan mo ngayon. Promise me na mag iingat ka ha? Alam kong makakabalik ka, hihintayin kita." Mom said out of nowhere, malinaw naman ang mga sinabi niya pero wala akong naintindihan.

"Ma, anong nangyayari?" Inabot ni tito Seth ang gamit ko doon sa lalake, tinignan ko si mom and I was waiting for her to explain what's happening ngunir mukhang wala siyang balak ipaintindi sa akin ang sitwasyon.

"Ion, dalin mo na siya." utos ni mama, hindi ko na nagawang magsalita pa dahil hinawakan ako noong lalake and in just blink of an eye, I traveled instantaneously to a breathtaking scenery.

Naglalakihang building na tila palasyo, mga nagtataasang puno, the green fields and the blue sky made a combination that I felt something out of the world. Nasaan ako? Panaginip ba ito?

This was a truly amazing feelings to witness a natural scenery that could exists only in my imagination pero nang magflashback sa isipan ko kung paano ako napunta rito, agad kong kinusot ang mga mata ko dahil baka namamalik mata lang ako pero mukhang totoo ang lahat ng nakikita ko ngayon. Nilingon ko ang lalaking nagdala sa akin dito at marahan siyang ngumiti.

"Welcome to Artasia Academy" Bati nito, okay what exactly is going on? I don't have any idea, I supposed to be in a vacation pero academy? Don't tell me na mag-aaral ako sa araw ng bakasyon ko? Hindi ito parte ng plano ko.

Artasia Academy: The seven guardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon