Bakit kaya may mga taong
Sadyang hindi ka maintindihan?
Lalo na 'yong mga hindi makuha
Sa isang tingin man lang.
T*ng*na kapag tahimik ka,
May sasabihin na sila.
Kapag umangal ka nama'y
Mas lumalala pa.
Ano ba'ng nais niyo
Na sa akin ay marinig?
Ang sumang-ayon sa inyo
Sa akin ay ipinipilit.
Hindi lahat ng bawat sambitin,
Ay may pinanggagalingan.
Hindi lahat ng bawat hugot ko'y
Kailangan may katuwiran.
Oo, nais ko na tayo'y
Maging magkaibigan.
Ngunit kung sobra ka na'y
'Di na bale, huwag na lang.
Mas gugustuhin ko ang mag-isa
Kaysa makipag-lokohan
Sa tulad mong 'di tunay at
Tingin sa'kin ay katuwaan lang.
Ang malaman ang lahat
Tungkol sa'kin ay 'di kailangan.
Ang magpanggap na kaibigan ko'y
'Di mo na dapat pagkaabalahan.
Kung may balak kang abusuhin
Ang kabutihan ko sa'yo,
Huwag mo nang ituloy pa't
Intindihin ang buhay mo.
Dahil ayoko sa manloloko
At nagbabait-baitan.
Ayoko sa plastik kaharap
At sa pagtalikod ko'y sisiraan.
Ayoko sa huli
Na ako pa ang masama.
Tumigil ka na,
Dahil ayoko sa'yo.
[ Harsh ba? May kinainisan lang ako kaya ko 'to naisulat noon. ]
BINABASA MO ANG
Lyrical Paradox | ✔
PoetryEnglish and Tagalog Compilation | #3 IN POETRY | The Fiction Awards 2016 Winner © 2016 kyeriella all rights reserved book cover made by @OhWanderlust_