❝Patawad❞

3.3K 86 6
                                    

[ Ito ay inspirasyon mula sa "School Love Story 1: Sorry..." na isinulat ni heynette ]


Matalik na magkaibigan, iyan tayong dalawa,

Kahit minsan hindi mo ako hinayaang mag-isa.

Kahit ano kahit saan lagi tayong magkasama,

Madalas mapagkamalang tayo ay higit pa.


Ang akala ko ikaw sa aki 'y may pagtingin,

Gaya ng ako sa 'yo at ano ka naman sa akin.

Dahil kung minsan pakiramdam ko ay iba na,

Pagkakaibigan natin ay tila lumalalim.


Ako nga lang ba ang nagbibigay kahulugan?

O hindi ko lang nakikita na ika 'y may nararamdaman?

Nakapag-isip napagdesisyunan na aaminin ko sa 'yo,

Sana lang talaga tibok ng puso nati 'y pareho.


Ngunit bakit sadyang napakalupit ng tadhana?

Kung kailan maglalakas-loob ako ay sinaktan pa.

Harap-harapan mong sa akin ay ipinakilala,

Babaeng hindi ako kailanman magiging siya.


Ano nga ba ang mayroon siya na hindi mo nakita?

Sa akin ba wala kang nagustuhan kahit isa?

Hindi pa ba sapat ang pagsasama 't alaala?

Kailangan ba na hanapin mo pa sa iba?


Walang magawa kung hindi ang umiyak,

At paulit-ulit na ipaalala sa sarili na tapos na ang lahat.

Pero heto ka na naman at sa aki 'y humihingi ng tawad,

Patawad na hindi ko alam kung kayang sumapat.


Patawad lang ang saki 'y tangi mong nasabi,

Taliwas sa inaasahang manggagaling sa iyong labi.

Sana man lang nagpasalamat sa ibinigay kong pagmamahal,

Na hindi maibabalik sa simple mong patawad lang.

Lyrical Paradox | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon