Epilogue

2.1K 56 2
                                    

Epilogue

SA ISANG SECRET CONFERENCE ROOM, somewhere in the world ay may tatlong misteryosong nilalang ang nagpupulung-pulong:

"Napakahina talaga ng Jaime Forteza na iyan!" Wika ng isang nilalang na hindi maaninag ang mukha.

"Nakakahiya! Siya pa naman ang binigyan ni BATHALA ng titulong BLUE DRAGON!" Sabat naman ng isa pa.

"Kaya lang naman napa sakaniya ang titulong iyon ay dahil sa impluwensiya at kapangyarihan gamit ang yaman niya!" Ani ng isa pang kasapi sa pagpupulong at bumaling siya sa unang nagsalita. "Pero sa totoo lang, WHITE TIGER, higit akong mas malakas sa kaniya!"

"Kung mas malakas ka talaga kay BLUE DRAGON," sagot ng isa pa nilang kasama, "bakit hindi ikaw ang mamuno ng grupong hinawakan niya, huh, RED PHOENIX?"

"Minamaliit mo na naman ba ako, BLACK SERPENT?"

"Hindi kita minamaliit. Hinahamon kita."

"TAHIMIK!"

Mabilis na natigil ang tatlong misteryosong nilalang nang mula sa kung saan ay may dumating na isa pa. Sa boses pa lamanG niya at natakot na agad ang tatlo.

"NAGSISIMULA KAYO HABANG WALA AKO?!" Galit na tanong nito.

"Patawarin ninyo kami, BATHALA. Hindi na mauulit." Sagot ni BLACK SERPENT.

"Huwag ninyong maliitin si BLUE DRAGON. Malaki ang kontribusyon niya sa sindikato natin. Sa loob ng mahabang panahon ay siya ang may pinakamalaking kita na naipapasok at ngayon ay naaresto na siya."

"Itatakas ba natin siya, BATHALA?" Tanong ni WHITE TIGER.

"Nagbibiro ka ba? Alam mo naman ang kaparusahan sa mga talunan hindi ba? Kahit gaano pa kalaki ang naitulong niya sa grupo, sa oras na matalo siya ay buhay na niya ang kapalit."

"Just give us your orders, BATHALA" Ani RED PHOENIX.

"Of course! Ang grupo ni BLUE DRAGON ay maglalahong kasama niya. RED PHOENIX and BLACK SERPENT, hanapin ninyo ang lahat ng kasapi ng grupo ni BLUE DRAGON at burahin ninyo sila sa mundo! WHITE TIGER, kuhain mo ang grupo mo at ikaw naman ang ia-assign ko sa dating teritoryo ni BLUE DRAGON, at habang nandoon ka ay tapusin mo na rin siya. Ayoko ng talunan!"

At nangyari nga na nagsimula nang humayo sina RED PHOENIX at BLACK SERPENT upang ubusin ang mga natira pang miyembro ni BLUE DRAGON. Mula sa mga nakatakas sa mga hangars hanggang sa mga naaresto ng police force ay isa-isang namamatay ang mga ito sa brutal na paraan.

Si WHITE TIGER naman ay sinimulan na ang kaniyang misyon upang tapusin si don Jaime Forteza, alias BLUE DRAGON, at pagkatapos naman noon ay siya naman ang hahawak sa dating teritoryo nito.

Samantala, si BATHALA ay tahimik lamang at namumuhay ng normal sa isang malayong lugar. Kung makikita mo siya ay hindi mo aakalaing isa siyang makapangyarihang boss ng sindikato. Sa mga oras na ito ay nasa arcade center siya ng isang mall at naglalaro ng video game nang biglang nag-ring ang telepono niya.

"Hello?" Aniya.

"BATHALA," sagot ng nasa kabilang linya. "patay na si BLUE DRAGON gaya ng iniutos mo!"

"Magaling, WHITE TIGER. Simulan mo na agad ang operasyon sa lugar na iyan. At siya nga pala, may grupo ng mga epal diyan at sila ang tumalo kay BLUE DRAGON. Gusto kong ubusin mo sila pero dalhin mo sa akin ng buhay ang pinaka-importanteng miyembro nila: si Agent Bexxx 69! I'll send the details to you, asap!"

"Masusunod, BATHALA!"

"Do not disappoint me, WHITE TIGER!" 

Ibinababa na ni BATHALA ang telepono at mukhang tinamad na rin siyang maglaro kaya tumayo na siya at nagsimulang lumakad palabas ng arcade center. May ilang hakbang pa lamang siya ay muli siyang bumalik sa kaniyang pinanggalingan at may dinampot.

"Let's go," bulong niya sa dinampot niyang munting nilalang. Ang malalaking mga mata nito ay nakatitig lamang sa kaniya. "umuwi na tayo, ROBOCAT..."

-end-

Agent Bexxx 69 and the Missing VarsitiesWhere stories live. Discover now