Chapter 4: OGG Investigated!

5.7K 144 17
                                    

Chapter 4: OGG Investigated!

"TEH, GISING." Bungad ni Agent Bexxx 69 sa isang lalake na mahimbing ang tulog.

Napabalikwas sa higaan ang lalakeng ginising ng detective dahil sa bumungad sa kaniya: si Agent Bexxx 69 ay naka-suot ng black lingerie na fully decorated ng Swarovski Crystals, may butterfly mask, at take note -- may angel wings pa siya na trademark ng isang Victoria's Secret model.

"Agent Bexxx 69?" Tanong ng lalake. "Ikaw nga ba iyan?"

"Ako ang iyong konsensiya." [Sabay isang fierce na pose!]

"Ate naman eh! Hamishu!" Bumeso ito kay Agent Bexxx 69. (Ahahay! Lumabas na ang pilantik!) "Bakit bigla kang napadalaw teh? Dis-oras pa ng gabi."

"Marami akong itatanong sa iyo, Diyosa. Sumunod ka sa akin."

Matapos pa ang ilang sandaling paghihintay ay lumabas na nga si Diyosa, nakasuot ng pink na cotton robe. Tumayo ito sa tabi ng secret agent.

"Teh, siguradong importante ang ipinunta mo dito para sadyain mo ako sa dis-oras ng gabi."

"Lam mu yan, Diyosa! Siguro naman ay nabalitaan mo ang pagkawala ng mga varsities kamakailan lang?"

Napabuntong hininga si Diyosa. "Tama nga ang hinala ko. Iyon nga ang dahilan kung bakit nandito ka."

"Ano'ng kinalaman ng OGG sa insidente? Akala ko ba'y nagbagong buhay na kayo?"

"Matagal na'ng nalibing sa limot ang OGG, teh. Pero hindi naman ako magtataka kung isa ako sa mga iimbestigan mo, dahil kilala kami sa pagiging talamak na kidnappers."

"At hindi lang iyon, Diyosa." Naglakad ng kaunti si Agent Bexxx 69. "Ang witness na mismo ang nagsabi na nakita niya ang marka ng OGG sa suot ng mga kidnappers."

Mabilis na napalapit si Diyosa sa secret agent. "Sigurado ba siya sa nakita niya? Imposible iyon! Matagal na'ng natigil ang operasyon ng Olah Grandiyosa Gang! Isa itong frame-up teh!"

"Kalma lang, Diyosa." ani Agent Bexxx 69. "Hindi rin naman ako makapaniwala na magagawa pa rin iyon ng grupo ninyo. Pero nagtaka talaga ako kung paanong nasali ang OGG sa gulong ito."

"May gumagamit ng pangalan namin." sambit ni Diyosa. "At hindi ko sila mapapatawad!"

Natahimik ang dalawa subalit naputol din ang kanilang katahimikan nang mula sa kung saan ay may isang baklita ang biglang nagsalita:

"Talaga ba'ng hindi mo kami mapapatawad?" Sabat nito.

Mabilis na napapihit sina Agent Bexxx 69 at Diyosa sa pinagmumulan ng tinig, at nakita nila ang isang patpating baklita na naka-full Chinese outfit! At kahit na sa kalagitnaan ng gabi ay nakapayong ito!

"Sino ka?" Bulalas ni Diyosa. "Ikaw ba ang gumagamit sa pangalan ng Olah Grandiyosa Gang?!"

"Isa lamang akong hamak na lingkod ng pinuno ng Olah Grandiyosa Gang. Ako si Parodia! Parodia Gosiengfao! At parurusahan ko kayo sa ngalan ng buwan!" [confetti]

Dito nagpanting ang tenga ni Diyosa. Hindi kasi siya makapapayag na muling buhayin ng isang adik ang pangalan ng grupo upang gamitin sa paghahasik ng lagim. Mabilis siyang humanda para sa pag-atake ng kalaban. Si Agent Bexxx 69 man ay naka-alerto na rin.

"Teh," pabulong na wika ni Diyosa. "ipaubaya mo sa akin ang bilat na to. Gagawin kong baked tahong ang hilatsa ng mukha niyan."

"Kailangan kong tumulong." pabulong din na sagot ni Agent Bexxx 69. "Mas maganda kung madali natin siyang mahuhuli. Malaki ang maitutulong niya para maimbestigahan natin ang kaso."

"Keri lang teh!" Itinaas ni Diyosa ang kaniyang isang kamay, humugot ng hinga, at sabay bunghalit: "DIYOSA COSMIC POWER -- MAKE UP!!!"

[Play Sailor Moon BG Music]

"HUUUUY!" Bulalas ni Agent Bexxx 69 kay Diyosa. "Ano'ng drama mo, teh?"

"Lumelebel lang sa kalaban, teh. Kala niya siya lang ang fan ni Sailor Moon!"

Hindi pa tapos mag-usap ang dalawa nang pareho silang nasampolan ng malupit na flying kick mula kay Parodia Gosiengfao. Talsik silang dalawa sa di-kalayuan. Winner naman ang paglanding ni Parodia na naka-pose pa.

"Hmp!" Ani Parodia. "Na-enjoy nyo ba ang aking KathNiel Kick?"

[HANSAVEEEEH???]

"Wow!" Sabat ni Diyosa. "May pangalan pala ang sipa na iyon. Don't tell me na ang suntok mo, may pangalan din?"

"EXO PUNCH!!!"

Isang solid na sapak ang naglanding sa mukha ni Diyosa. Hilo ang lola niyo. Mabilis na kumilos si Agent Bexxx 69 upang alalayan ang kaibigan subalit humarang sa daraanan niya si Parodia gamit ang kaniyang Vampire Run!

"Hemeyged," sambit ni Agent Bexxx 69. "Nese'ye ne eng lehet! Ikaw na!"

"No, Agent Bexxx 69," sagot ni Parodia. "ikaw na!"

"No, Parodia," ani Agent Bexxx 69. "ikaw na -- ikaw na ang susunod na tutumba!"

Isang malakas na sipa ang pinawalan ng ating bidang secret agent subalit mabilis itong nailagan ni Parodia gamit ang kaniyang Werewolf Jump. At minsan pa ay tinamaan na naman siya ng KathNiel Kick ni Parodia, at sinundan pa itong muli ng EXO Punch -- at nang mahablot siya ni Parodia ay pinaikot-ikot siya sabay hagis sa di-kalayuan.

Ikot na rin ang paningin ng ate natin. Hulas na ang beauty, napunit pa ang Angel wings; at halos mawasak na rin ang butterfly mask niya. Hindi pwede ito. Hindi siya pwedeng makilala ng kalaban niya. Mabilis niyang pinindot ang isang buton sa kaniyang wristwatch at nagpalit ng anyo ang kaniyang Chameleon Armour Suit: siya na ngayon si Bat Girl!

"Wow, change costume!" ani Diyosa na ngayon ay nakakabawi na sa pagkahilo. Tapos noon ay bumaling siya kay Parodia. "Hoy, bilat! Sumuko ka na. Hindi mo kami kaya!"

"Excuse me?" sagot ni Parodia. "Last time I checked, kayo itong nilalampaso ko. Title ako, runners up lang kayo!" [Bigyan ng jacket!]

"Ah ganon?" ani Diyosa. "Title ka? Puwes eto ka -- slow clap." 

At pumalakpak nga si Diyosa ng dahan-dahan. Sa simula ay iisipin mong isang simpleng palakpak lamang iyon. Subalit habang tumatagal ay nagsisimula na itong maging masakit sa tenga. Napatakip ng tenga si Parodia, samantalang si Agent Bexxx 69 ay napaghandaan ang gagawin ni Diyosa kaya mabilis siyang nagsuot ng earphone at nakinig ng "Wrecking Ball by Miley Cyrus" version ni Mommy Dionisia.

Nang hindi na halos makagalaw si Parodia sa tindi ng sakit ng tenga niya ay mabilis na tumakbo si Agent Bexxx 69 palapit sa kalaban upang arestuhin ito. Subalit hindi pala ganoon kadaling talunin si Parodia, dahil kahit halos mabingi na sa slow clap attack ni Diyosa ay nagawa pa rin nitong magpakawala ng isa pang malakas ng atake: ang HYSTG Attack! Kumbinasyon ito ng mabibilis at malalakas na sipa at suntok na hindi talaga na-keri ni Diyosa at ni Agent Bexxx 69, kaya ang ending ay talsik na naman ang dalawa.

"Sino nga ulit ang susuko?" Ang mapagmalaking tanong ni Parodia sa dalawa. "Hindi niyo alam kung ano ang kinakalaban ninyo. Ako si Parodia Gosiengfao -- and my husband is a gangster, kaya exposed ako sa jumbagan. At ngayon, humanda na kayo dahil pakakawalan ko na ang aking finishing move: Ang Diary ng Clash of Campus Royalties Attack!"

Mula sa kung saan ay kinuha ni Parodia ang payong niya, at itinutok ito kay Agent Bexxx 69 at kay Diyosa. Laking gulat ng dalawa nang ikasa ito ni Parodia. Ang payong pala ay isang baby armalite!

"Ladies," panimula ni Parodia. "you've reached the end of your careers! Hasta la vista, baby!"

RATATATATATATATATATATATATAT!!!!

xxxxxxxxxxxxxxxxx

A/N : Katapusan na nga ba agad ng ating bida?

......Siyempre hindi. Bida nga eh. So gawin nyo, panuorin niyo na lang iyong video. Epic na Sailor Moon Transformation yan...hahahahahaha...

~~~~~Votes and/or comments are always appreciated~~~~~~~

Agent Bexxx 69 and the Missing VarsitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon