Prologue

13.6K 296 45
                                    

Prologue

MADILIM ANG SILID ng buktot na drug lord na si Don Jaime Forteza, at mula sa bintanang salamin sa isang bahagi ng silid ay may anino'ng dahan-dahang sumisilip -- si Agent Bexxx 69. Para sa misyong ito ay nakasuot siya ng Cat Woman costume na gawa sa leather, at with plunging neckline. Take note, nakasuot din siya ng black stiletto boots. Iginala niya ang kaniyang paningin at sa tulong ng kaniyang night-vision glasses ay nakita niya ang nilalaman ng silid. Naroon nga at natutulog ng walang saplot at yakap-yakap ng tatlong magagandang dilag ang mestisong don.

Napailing si Agent Bexxx 69 dahil sa panghihinayang. Bukod kasi sa guwapo at matikas ang don sa kabila ng pagiging may edad nito, ay kilala rin itong pilantropo sa kanilang bayan. Lamang ay kailangan siyang maaresto dahil sa dami rin ng buhay na winasak niya dahil sa droga. Sapat na ang nakalap na ebidensiya ng secret agent upang maaresto ang don. May limang araw din niyang hinanap ang hideout nito: isang tago'ng mansiyon sa di-kalayuang probinsiya. At ngayong nasumpungan na niya ang pakay ay oras na upang ipaalam ito sa kinauukulan.

Gamit ang wristwatch na cellphone ay tumawag na siya ng reinforcement upang arestuhin ang druglord, at matapos nga ang ilang sandali ay napaligiran na ng police cars ang mansiyon. Kitang-kita ni Agent Bexxx 69 mula sa mataas na bintana kung paanong nataranta sa ingay ng mga wang-wang ang mga bantay sa mansion, at nang pwersahan na ngang makapasok ang mga pulis sa pangunguna ni Captain Zach Tagle, ay dagling pinaputukan ng isa sa mga goons ang magiting na kapitan; mabuti na lamang at mabilis itong nakailag. Ito na rin ang hudyat upang magkapalitan ng putok ang magkabilang panig.

Dahil sa ingay na nilikha ng mga putok ng baril ay nagising ang nahihimbing na don at ang kaniyang mga chicks. Sakto rin ang biglang pagbukas ng ilaw ng silid at ang pagpasok ng dalawang tauhan ni don Jaime upang itakas siya. Mabilis na nagsuot ng robe ang don. Matapos namang palabasin ng isa sa mga tauhan niya ang mga babae ay lumapit naman ang isa pang tauhan sa isang bookshelf at may kinuhang libro: ito pala ang susi upang pumihit ang bookshelf at lumantad ang secret door na dadaanan ni don Jaime.

Hindi ito maaaring palampasin ni Agent Bexxx 69, kaya dali-dali niyang binasag ang bintanang salamin at lumundag siya papasok ng silid. Siyempre, in character ang lola niyo pag-landing sa sahig at pose agad para epek ang entrance! Mabilis siyang sinalubong ng isa sa mga tauhan ng don subalit madali niya rin itong napatumba sa isang sipa lang sa mukha. Sunod na sumalakay ang isa pang tauhan na kamukha naman ni Bruce Lee lamang ay di gaya ng nauna, mas marunong sa pakikipaglaban ang isang ito -- madali niyang nasasalag ang mga suntok at sipa ni Agent Bexxx 69, samantalang ang kaniyang mga atake ay kumukunekta sa detective.

Napaatras si Agent Bexxx 69 nang minsan pa ay tamaan siya ng isang mala-Chun Li'ng tadyak sa sikmura. Napaluhod siya. Lumapit ang lalaki sa kaniya. Nakangisi ito.

"Bago kita tapusin," panimula ng lalaki. "may gusto ka bang sabihin?"

Pinilit na makasagot ni Agent Bexxx 69 sa kabila ng kirot ng pagkakasipa sa kaniya.

"Gusto ko sanang mag-foundation, kuya..." Ani Agent Bexx 69. "...Luz Valdez ang beauty ko sa mga shaolin moves mo; di ko na keri."

Iyon lang at mabilis na dinukot ni Agent Bexx 69 mula sa kaniyang bulsa ang kaniyang pocket foundation na SPF 15, subalit nang buksan niya ito ay nagsimula itong maglabas ng usok. Huli na bago pa makalayo ang kalaban dahil nang malanghap niya ang usok ay nakadama siya ng matinding hilo, hanggang sa tuluyan na nga nitong makuha ang Sleeping Beauty Award.

Siyempre, exit na ng bongga si Agent Bexxx 69 dahil kailangan pa niyang habulin si don Jaime Forteza na sa kasalukuyan ay rumarampa na sa kaniyang secret passage patungo sa kaniyang kaligtasan. Run-dy Santiago naman ang peg ng detective para maabutan ang don. Nang marating niya ang dulo ng lagusan ay pasakay na sa mamahaling escape car ang mestisong drug lord, at binabantayan na ng apat na body guards.

"ISSHTAAAP!!!" Bulyaw ni Agent Bexxx 69 sa don.

Napabaling ang lahat sa kaniya. Dali-dali ay sinalubong siya ng dalawa sa apat na tauhan samantalang ang dalawang naiwan naman ay sinamahan na ang don sa loob ng sasakyan at humarurot na ito. Si Agent Bexxx 69 din ay tumakbo palapit sa dalawang tauhan at nang makaipon ng sapat na bilis ay nagpa tambling-tambling, at matapos makasirko ng ilang beses ay lumundag ito sa ere at derechong naglanding sa dalawang kalaban. Dapa sa sahig ang dalawa at si Agent Bexxx 69 ay nakatayo sa likod nila. Nawalan ng malay ang dalawang lalaki. Si Agent Bexxx 69 naman ay nagpatuloy upang habulin ang tumatakas na druglord.

Habang tumatakbo ay may pinindot si Agent Bexxx 69 sa kaniyang remote control na wrist watch at mula sa kung saan ay may dumating na isang itim na kotse at tumakbo ito sa tabi ng detective. Bumukas ang bubungan ng kotse at madaling lumundag papasok si Agent Bexxx 69.

"Kamusta, Agent Bexxx 69?" Nagsalita ang kotse.

"Hay naku, G.U.R.L., heto't may huhulihin na naman tayo." 

[G.U.R.L. = Ginawa Upang Rumampa at Lumandi]

Charot lang! Eto po ang tunay na meaning niya:

[G.U.R.L. = Geron's Uber Rescue Lamborghini ; meaning to say isa siyang super rescue car at marami siyang kayang gawin. E yung Geron? Pangalan po ng tao iyan, at makikila niyo rin siya sa mga susunod na chapters. Balik tayo sa kwento.]

"No problem!" Sagot ng kotse sa secret agent. "Hawak na ng mabuti sa kambiyo, 'teh, because this G.U.R.L. is on fire!"

Iyon lang at in-activate ni G.U.R.L. ang kaniyang nitro at may lumabas na apoy sa kaniyang tambutso, sapat upang humarurot siya ng napakabilis at wala pang limang minuto ay naabutan na nila ang sasakyan ni don Jaime. Nang makalapit sila sa kotse ng drug lord ay inactivate naman ng super car ang kaniyang scanner upang suriin ang sasakyan. Natuklasan ni G.U.R.L. na ang magarang sasakyan ng drug lord ay may kakayahang mag-auto pilot. Ginamit ni GURL ang wi-fi connection ng mamahaling sasakyan upang maka-konekta siya rito at nang mapasok niya ang sistema ng sasakyan ay dali-dali niya itong pinahinto. Huminto rin si G.U.R.L. sa tabi ng kotse ni don Jaime.

Bumaba si Agent Bexxx 69 sa kaniyang smart car upang arestuhin si don Jaime, subalit mabilis ding bumaba ang dalawa pa nitong tauhan upang tangkaing pigilan ang secret agent. Magkagayon man ay mabilis din si G.U.R.L. at gumamit siya ng shockwave upang paralisahin ang mga kalaban. Sa huli ay naiwan si don Jaime na walang tagapagtanggol at wala siyang nagawa kung hindi ang bumaba ng sasakyan upang sumuko.

"Sino ka ba?" Tanong ng don kay Agent Bexxx 69. "Kung isa ka'ng bounty hunter, bibigyan na lang kita ng milyones, hayaan mo lang akong makatakas."

Hindi sumagot si Agent Bexxx 69. Bagkus ay sinimulan na niyang iposas ang mga kamay at paa ng druglord. Nang masiguro niyang hindi na ito makakatakas ay muli siyang tumawag gamit ang kaniyang wristwatch na cellphone.

"Captain Tagle," aniya. "naghihintay na siya sa'yo."

Iyon lang at sumakay na si Agent Bexxx 69 sa kaniyang smart car, at habang umuusad siya palayo sa lugar na iyon ay matatanaw naman sa hindi kalayuan ang ilaw ng mga police cars na paparating upang arestuhin si don Jaime Fortaleza.

****

Vote po kayo kung natuwa kayo ha? Tapos leave kayo ng comment, kahit smiley lang, para alam ko naman ung mga pasasalamatan ko. Pero kung kaya nyo mag-iwan ng comment na magpapalakas ng loob, mas maganda po..hahahahaha...

Agent Bexxx 69 and the Missing VarsitiesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant