Chapter 9: The More, The Merrier!

3.3K 93 6
                                    

Chapter 9: The More, The Merrier!

AFTER EIGHT CHAPTERS ay wala pa ring tayong idea tungkol sa mga kontrabida natin. Ang alam lang natin ay may dalawa na itong pinakawalang alagad: sina Parodia Gosiengfao at Atcheng the Assassin.

Si Parodia Gosiengfao, as of her last appearance, ay tagumpay sa kaniyang misyon na madukot si Xian Li (Gosh! 'Madukot' talaga ang word --- parang gusto ko rin iyon, hahahaha!). Samantalang si Atcheng the Assassin ay pinagtulungan naman ng dalawang hunks na sina Capt. Tagle at Lantis (parang gusto ko rin iyon...hihihi).

Pero, subalit, datapuwat, ngunit --- sino ba talaga ang utak sa likod ng kidnapping incident na ito? Hindi kaya si....

~~~

"LANTIS!" Bulalas ni Agent Bexxx 69 nang mapansin niyang nakatayo ito sa likod niya. Si Capt. Zach Tagle ay wala pa ring malay. "Saan ka galing?"

Hindi sumasagot si Lantis. Nakatitig lamang siya kay Agent Bexxx 69. Kinutuban na ng masama ang secret agent. Walang anu-ano'y biglang hinablot ni Lantis ang latigo niya na nakasukbit sa kaniyang baywang at ipinitik ito sa sahig.

"Lantis," ani Agent Bexxx 69. "anong nangyari? Bakit putol ang latigo mo?"

"Biglang dumating dito si Parodia Gosiengfao." Sagot ni Lantis. "Sa tingin ko kasi ay set-up lang ang pagkakahuli namin kay Atcheng the Assassin. Sinadya nila iyon para masundan kami at matukoy kung saan ang hide out ni Capt. Tagle."

"May nahuli kayong kalaban?" Gulat na tanong ni Agent Bexxx 69. "At hindi nyo man lang ako sinabihan?"

"G-gusto kasi naming makatulong. Ikaw na lang ang laging nagta-trabaho." Hindi makatingin ng derecho si Lantis kay Agent Bexxx 69.

"So ano, may nalaman ba kayo tungkol sa mga kidnappers?"

"Hindi pa namin siya napipigang mabuti. Pero ang alam namin ngayon ay ibibenta ang mga bata, either para kuhaan ng internal organs or gawing sex slave sa ibang bansa."

"Juice colored!" Sambit ng ating bida, mas lalo siyang nagkaroon ng dahilan para madaliin ang pagresolba sa kaso dahil pati ang kanyang instant boyfie na si Xian Li ay nakuha rin ng kalaban. Hindi siya papayag na may masamang mangyari sa mylabs niya.

"At kanina, bago tuluyang tumakas sina Parodia Gosiengfao at Atcheng the Assassin, sinabi ni Parodia na ngayong araw daw ay makukumpleto na ang kailangan nilang bilang ng mga kabataan dahil kukuhain daw nila ngayon ang nakatakas na estudyante!"

"Si Xian Li iyon!" Halos maiyak si Agent Bexxx 69 nang sambitin niya ang pangalan ng binata. "May nalaman ba kayo tungkol sa hide out nila?"

"Meron. Noong tumakas kasi sila ay sinundan ko pa sila. Nagpaiwan si Atcheng the Assassin para pigilan ako at sa kaniya ko nalaman na sa oras na makumpleto nila ang mga batang ni-request ng kanilang kliyente ay ililipad na nila ito sakay ng kanilang private plane papunta sa Europe."

"Nooo!" Gusto nang manlumo ni Agent Bexxx 69 sa mga naririnig niya.

Gustong sisihin ni Agent Bexxx 69 ang sarili niya dahil naging mabagal siya. Kung bakit ba naman kasi ang hirap kumuha ng clue for this particular mission? Naunahan tuloy sila ng kalaban sa pagi-strategize. Pero wala na siyang ibang pwedeng gawin ngayon kung hindi ang humingi ng himala upang matukoy kung nasaan ang hide-out ng kalaban at mailigtas ang mga kabataan bago pa ito tuluyang mailabas ng bansa.

Walang anu-ano'y nagkamalay na si Capt. Tagle, at nang maibalita sa kaniya nina Agent Bexxx 69 at Lantis ang mga nangyari ay halos manlumo din siya. Mas lalo pa silang nanghina nang tawagan si Capt. Tagle ng mga bodyguards ni Xian at ireport na hindi nila makita ang binata. Nag-conclude sila na nakuha na ni Parodia ang huling target.

Agent Bexxx 69 and the Missing VarsitiesWhere stories live. Discover now