Chapter 7: Atcheng the Assassin

4K 97 8
                                    

Chapter 7: Atcheng the Assassin



HABANG NAGHIHINTAY sa resulta ng image scan ang ating mga bida, nagpasiya si Capt. Zach Tagle na puntahan ang lugar kung saan nadukot ang mga estudyante ng kalabang school nina Xian Li. Gusto niyang makakuha ng clue at magtanung-tanong sa mga tao sa paligid. Pero mukhang walang makaalala o makakilala sa misteryosong estudyante ng kabilang school.

Sinubukan pa'ng maglakad-lakad ng kapitan, nang may mapansin siyang kakaiba: parang may nakamasid sa kaniya. Naisip niya na malamang ay sinusundan siya ni Lantis. Naaalala niya tuloy yung naging enkwentro nila sa men's toilet noong nakaraan. Inakusahan niya ang pulis na user friendly.

Isa pa, bakit nasabi ni Lantis na pinaglalaruan niya ang damdamin ng secret agent? Napaisip tuloy si Capt. Tagle. Alam naman niyang madalas siyang biru-biruin ni Agent Bexxx 69 pero hindi naman niya naisip na seryoso iyon. At iyong pagiging protective niya --- normal na kasi iyon. Bilang kapitan, nasanay siyang protektahan ang mga katrabaho niya.

At kung magustuhan man siya ni Agent Bexxx 69, ano naman? Sa isip-isip ng kapitan. Ang lahat ng tao ay may karapatang pumili ng mamahalin nila. Madalas niyang marining iyon sa kaniyang nasirang asawa na si Michelle. Dati kasi ay iba ang pananaw ng kapitan sa pag-ibig. Para sa kaniya, ang lalake ay para lang sa babae. Pero ang asawa niya ang nagturo sa kaniyang rumespeto sa iba pang anyo ng pag-ibig.

Nagsimula silang partners sa police force hanggang sa nagka-developan sila. Maraming kaibigang bading si Michelle, ang tawag nga sa kaniya ay babaeng bakla. Ito ang naging daan para mas maging open-minded si Capt. Zach Tagle. Minsan nga, nagbibiro si Michelle na kung mangangaliwa daw ang kapitan, sa bading na lang --- at least  iyon daw kasi hindi nabubuntis, so hindi siya magkakaroon ng anak sa labas.

Kaya lang, hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong makabuo ng pamilya. Apat na buwang buntis noon si Michelle para sa panganay nila nang masabak ang kapitan sa isang buwis-buhay na misyon. Hindi na nga nila isinama si Michelle dahil mapanganib ang misyon. Subalit nang mangailangan ng back-up, nagpumilit siyang sumama. Dito na siya nawakasan ng buhay.

Pinilit ni Capt. Zach na ipagpatuloy ang buhay kahit na nahihirapan siya, hanggang sa dumating sa buhay niya ang secret agent na si Agent Bexxx 69. Bukod sa high profile cases ang nahahandle niya dahil sa ate natin, nakatulong din ang pagiging masayahin ng secret agent para maka move-on ang kapitan. Kung tutuusin, si Agent Bexxx 69 na nga ang bago niyang partner sa police force, at masasabing halos kapalit na siya ni Michelle sa maraming bagay, maliban sa isa. Napangiti ang kapitan. Hindi nga kaya si Agent Bexxx 69 na ang tuluyang pupuno sa kakulangang nararamdaman ng puso niya?

Bigla siyang napatigil sa pagmumuni-muni. Hindi niya namalayan na napasuot na pala siya sa isang eskinita. Walang katau-tao dito. Tapos ay nakarinig siya ng mga footsteps sa likuran niya.

"Lantis," wika ng kapitan. "bakit ba kanina mo pa ako sinusundan?" Pumihit siya upang harapin ang sumusunod sa kaniya at nagulat siya dahil hindi ito si Lantis.

Ang nasa harapan niya ay isang maitim na lalake na parang nabubuhay pa rin sa '70s era. Nakasuot siya ng bell bottom na hakama pants at afro ang hair style niya. Pero ang pinaka pansinin ay ang dala niyang samurai.

"Yo, yo, yo!" Bati ng lalake at noticeable ang kanyang afro-american accent. "Mah name is Atcheng the Assassin, and I'ma kick your ass with my funky mama blade!"

"Sheeessshh!" Banat ng kapitan. "Ayusin mo nga pagsasalita mo! Ano ban'g kailangan mo?"

"Didn't ya hear? I said, I'ma kick your ass, chump!"

Iyon lang at hinugot na ni Atcheng the Assassin ang samurai sa lalagyan nito at mabilis na sumalakay kay Capt. Zach Tagle. Napakabilis kumilos ng swordsman at ang tanging nagagawa lang ng pulis ay ang umilag at piliting makalayo.

"You've got the groove, baby!" Ani Atcheng the Assassin nang hindi nito masugatan ang kapitan dahil sa galing nitong umiwas. "But I'ma end this here."

Iwinasiwas ni Atcheng the Assassin ang kanyang espada at lumikha ito ng hypnotic waves, dahilan upang hindi makalaban si Capt. Tagle. Nagsimula nang lumakad palapit ang afro guy sa kapitan upang tapusin ang buhay nito. Itinaas niya ang kaniyang samurai para sa kaniyang final blow. Kaya lang, hindi niya maituloy ang pag-atake niya dahil may pumigil sa kaniya. Nang tingnan niya ang kaniyang espada ay may nakapulupot na latigo dito. At dahil nasira ang concentration niya ay nakawala si Capt. Tagle sa kaniyang hypnotic waves.

"Lantis!" Sigaw ng kapitan nang makita niyang nakatayo ito sa likod ni Atcheng the Assassin. "Mag-iingat ka sa afro na iyan! Mapanganib siya!"

"Alam ko." Sagot ng bounty hunter. "Dahil nakita ko kung paanong muntik ka nang mapatay ng espada niya."

Biglang hinatak ni Lantis ang latigo at nahila si Atcheng the Assassin. Subsob ito sa sahig. Mabilis nga lamang itong nakabangon at si Lantis naman ang sinalakay niya. Magaling din sa pag-iwas ang bounty hunter kaya medyo napipikon na ang kontrabida. Muli niyang iwinasiwas ang kaniyang samurai upang gumawa ulit ng hypnotic waves pero hindi na niya ito naituloy, dahil tinamaan siya ng taser gun ni Capt. Tagle.

Minsan pa ay bagsak na naman sa sahig ang kalaban, at pansamantala itong naparalisa dahil sa epekto ng taser gun. Lumapit si Lantis at ang Kapitan upang arestuhin ito subalit laking gulat nila nang bigla na naman itong nakagalaw.

Mula sa sahig ay nagawa nitong mag whirlwind kick upang hindi makalapit ang dalawa. Gulat pareho sina Lantis at Capt. Tagle --- walang ordinaryong tao ang makakagalaw kaagad pagkatapos tamaan ng taser gun.

"Kasamahan mo ba si Parodia?" Tanong ni Lantis kay Atcheng the Assassin.

"Righ on, baby!" Pagsangayon ng kalaban. "And my boss wanna tell yah sumt'n: stay out of his business!"

"Good luck naman kung titigil kami sa pag-iimbestiga!" Banat ni Capt. Tagle. "Lantis, kailangan natin siyang mahuli ng buhay, by hook or by crook!"

"Then let's do this!" Ani Lantis.

Nagsimula na nga ang mala-Hong Kong movie na style ng labanan sa pagitan ng ating mga hunk na bida at ni Atcheng the Assassin. Sipa dito, suntok doon; tambling dito, tambling doon; iwas dito, iwas doon! Parang sinapian nina Jacky Chan at Jet Li sina Capt. Tagle at Lantis dahil sa kanilang flashy kung-fu figthing, at si Atcheng the Assassin naman ay tila sinapian ni Samurai X Kenshin dahil sa kaniyang mga da moves!

May ilang minuto pang nagtagal ang labanan nila, at sa tagal nga ay lumambot na yung pinapakuluang baka ni author. Hindi lang iyon, nakapunta na siya sa palengke at nakabalik dahil nalimutan niyang bumili ng kamatis para sa sinigang na baka niya ay hindi pa rin tapos maglaban ang magkabilang pwersa. Hanggang sa matapos na'ng kumain ng lunch si author tuloy pa rin ang labanan.

So, mga kulang-kulang dalawang oras na silang naglalabanan sa eskinita at, take note, walang nakapansin na may nangyayari doon. Hanggang sa wakas ay nagsimula nang manghina si Atcheng the Assassin. Whew! Sinamantala na ito ni Capt. Tagle at muli niyang tinira ng taser gun ang kalaban upang paralisahin ito. This time, hindi na talaga nakapalag si Atcheng at tuluyan na ngang nakuha ni Lantis ang espada nya. Dali-dali naman siyang ipinosas ng kapitan.

"Hintayin mo ako dito," utos ni Lantis sa kapitan. "kukuhain ko lang ang sasakyan."

Aktong aalis na ang bounty hunter nang tawagin siya ng kapitan.

"Lantis," ani Capt. Tagle. "Salamat sa tulong mo."

Nagpalitan ng ngiti ang pulis at ang bounty hunter.

Agent Bexxx 69 and the Missing VarsitiesWhere stories live. Discover now