Chapter 8 - the Plan

Start from the beginning
                                    

Isang bugtung-hininga ang pinakawalan ko, hindi ako kumibo.

Tumingin ako sa bartender at umorder ulit ng alak. Kailangan kong makaisip ng gagawin. My goodness!

Isang nakakabinging katahimikan ang naghari sa pagitan namin. Sunud-sunod narin siyang uminom.

"Ate Thesa!" maya-maya'y narinig kong tawag buhat sa likuran namin. Napatingin naman ako roon.

Isang estudyanteng babae ang nakita ko't nakasuot pa ng school uniform. Magkamukhang-magkamukha sila ni Thesa maliban lang sa pagkakaroon niyon ng black straight hair saka younger version ni Thesa.

Napatingin narin roon si Thesa, "Dianne, anong ginagawa mo dito?" bulalas niya at nilapitan ang estudyante.

Napaiyak naman iyon at niyakap si Thesa. "Ate, tulungan mo naman ako. Ang bata ko pa para magpakasal."

Nagbaling naman sa akin si Thesa. "Mark kapatid ko pala. Mag-uusap lang kami sa labas."

Napatango naman ako.

"Siya ba ang boyfriend mo Ate?" nagtatanong na mga tingin niyon sa akin.

Tinitigan pa ako ni Thesa bago binalingan ulit ang kapatid niya. "Oo Dianne, siya ang boyfriend ko kaya hindi ako magpapakasal kay Jimmy dahil si Mark lang ang pakakasalan ko." saka iginiya na iyon sa labasan.

Ngiting sinundan ko ang dalawa ng tingin. Hindi mawaglit sa isipan ko ang sinabi ni Thesa na ako lang ang pakakasalan niya. Parang gumaan ang loob ko.

Sisiguraduhin kong ako lang talaga ang pakakasalan mo Thesa. Itanan kaya kita?

"Papa pogi, mag-isa ka 'ata? Asan si Thesa?" narinig ko na sina Jhunie, Jamaica at Jenifer na lumapit sa kinaroroonan ko.

Ngiting hinarap ko naman ang mga iyon. "Kalalabas lang ni Thesa, kausap ang kapatid niya." bumaling na ako sa bartender. "Three drinks for the beautiful ladies!"

Nagsitilian naman ang tatlo. "Masyado kang mabola Papa pogi, kaya nga gustung-gusto ka namin." ngiting sambit pa ni Jamaica.

Napaupo narin sila sa bench at hinintay narin ang kanilang drinks. "Anong motiv niyo sa kasal?" masayang tanong sa akin ni Jhunie.

Muntik naman akong mabunulan sa tanong niya. Napalingi-lingi ako. "Wala pa, saka hindi pa naman kami ikakasal."

Nakapalumbaba namang tiningnan ako ni Jamaica. "Ay, ang slow mo naman, ibahay mo na kasi... tumingin ka sa paligid mo!" sabay turo pa niya sa mga crew na abala sa mga ginagawa. "Lahat ng mga kiki diyan nagkakandarapa sa girlfriend mo. Baka maunahan ka pa nila."

Napalaki naman ang mga mata ko. "Pero don't worry, ikaw ang pinakasuwerte dahil nabingwit mo ang mailap na puso ng sister namin." tinapik-tapik pa ni Jamaica ang balikat ko.

"Gustung-gusto ko naring pakasalan si Thesa pero hintayin ko munang maging handa na siya." may garalgal sa lalamunang sambit ko.

"Baka may mga kapatid ka pa Papa pogi? Ipakilala mo naman kami." tanong pa ni Jenifer.

"I'm the only son." ngiting sagot ko. Nagtinginan naman ang tatlo at tila nag-usap-usap sa mata.

"Tito kaya?" tanong pa ni Jenifer. Narinig ko na naman ang mga tilian at tawanan nila. Pinagsasabunutan pa nila iyon. "Mahilig ka talaga sa mga amoy-lupa!" kantiyaw pa nila.

"Pinsan siguro naman ay mayroon?" baling sa akin ni Jhunie. "'yong kasing pogi mo din..."

Napatawa naman ako. Riot ang tatlong ito. Hahaha!

Kunsabagay, sa kakaibang ganda ni Thesa. Sino ba namang lalaki ang hindi magkakagusto sa kanya? Sana nga ay ako ang pinakamasuwerting makahuli ng kanyang puso.

Napatingin ako sa labasan, nakita kong lumalakad si Thesa papunta sa kinaroroonan ko. Hindi ko talaga mapigilan ang puso ko sa pagtibok. She's the one. The one I love... My goodness! Mahal na mahal kita Thesa!

"Matutunaw ang sister namin sa mga titig mo! My gosh, iba ang tama!" narinig kong sambit ni Jhunie ngunit hindi na maalis ang tingin ko kay Thesa.

.

Napagkasunduang mag-VIP. Unlimited drinks and foods.

Ilang ulit ng kumanta sina Jamaica at Jenifer. Samantalang si Jhunie ay naglilipsynch saka sumasayaw. All out energy talaga ang tatlo.

Samantalang magkatabi kami ni Thesa at tahimik lang na kumakain.

"Game tayo! Truth or consequence." yaya ni Jhunie maya-maya at inilagay ang isang walang lamang bote ng alak sa itaas ng table. "...pero ibahin natin ang mechanics. Sa truth kailangan sagutin niya ang bawat tanong, walang pass. Ang mag-pass ay dalawang basong alak ang inumin niya. Sa consequence naman kailangan niyang inumin ang isang basong alak in one shot." sabay taas pa niya ng isang baso.

Kunot-noong napakamot ako ng ulo. Lasingan mode itong game na ito.

"Game!" sambit ni Thesa na tila excited sa laro. Umayos narin siya ng upo habang kinukuha ang laman ng table.

Pagkalinis niyon ay inilapag na ni Jhunie ang bote at sinimulan paikutin, "Alright! Sa unang ikot..."

Naglalakihan ang mga matang naghihintay kung kanino hihinto ang bote.
Nagtitilian.
Nagsi-cheer.

-----------------------------------------

Please don't forget to press the star and leave a comment!
Thanks a lot! Lovelots! 💖

-NyllelaineNyeNight

Be Mine!Where stories live. Discover now