"Perhaps,It was Kismet"

39 6 4
                                        


'Kismet Connection'

May mga pagkakataon sa buhay natin na kung saan obvious namang hindi nakatadhana yun na mangyari pero nangyari parin kasi it's either sinadya o may nakialam.Yung tipong hinding hindi mo talaga inaasahan pero nangyari na lang,pag kasi sinabing itinadhana pwede mo pang salungatin kung ayaw mo.Pero kapag 'kismet connection' na ibig sabihin non ikaw mismo ang magdedesisyon kung kayo ba talaga ang para sa isa't isa.Imagine that nasayo na ang desisyon,hawak mo na.Okay na sana eh,ang kaso kung ikaw ba ang magdedesisyon nun sa tingin mo ba magugustuhan niya.Sa pag aakala kong baka siya na,kahit hindi naman ayun di na siya nawala sa isip ko,araw araw nakatambay sya sa utak ko.Alam mo yun,gantong ganto yung feeling kapag di mo na maintindihan talaga yung sarili mo,plus yung pang aasar pa ng mga kaibigan mo,baka daw madevelop.Kaya ayun sa pag aakala at sa pag asang 'kismet connection' nga iyon umasa ko.Hehez.Nakakatuwa 'ako' lang naman kasi yung umasa at nasa kaniya yung desisyon at alam kong yung desisyon niyang iyon ay 'hindi' dahil napakalayo ng agwat at estado ng pamumuhay namin.Hahahaha....Nakakatawa lang dahil sa simpleng mga pagkakataong yun nakadama ko ng hindi pilit na mga pangyayari.

Tipo ng mga pangyayaring siguro'y isang beses ko lamang mararamdaman,mga pagkakataong maipagmamalaki ko sa sarili ko dahil nakita ko yung agwat ng pamumuhay namin,mga sitwasyong hinding hindi ko na muling maaasahan.Kaya heto na naman ako,muling magpaparaya ng taong ni minsay hindi naman naging akin.Siguro nga,aminado kong may namuong kakaibang pagtingin,damdamin sa loob loob ko,lumala oo kaya kailangang parayain. :')

Kaya sa mga mumunting pangyayaring iyon natutuwa ko.

Salamat sa panandaliang kilig,sa panandaliang kakaibang damdamin.

Mahirap umasa sa taong umaasa pa sa ibang tao.

Mahirap gustuhin ang isang tao lalo na't napakalayo ng antas ng pamumuhay namin.

Kaya ko naman sana ang kaso lang 'kismet' lang ang mga pangyayaring iyon.

Sinadya ng iba,ipinilit ko,ngunit ayaw mo.

'Kismet'

"Kismet Connection"Where stories live. Discover now