Chapter 4

14.3K 411 42
                                    

Chapter 4..

"Ako ba ang tinatawag mo?" Tanong ko sa lalaking kaharap ko, bakit kaya ako tinatawag nito? Agad kong tanong sa sarili ko.

"A miss yung towel mo' naiwanan mo kase. " sabay abot ko ng towel sa babaeng mugto ang mata at nakikita kong may pinagdadaanan ito. Gusto ko mang tanungin baka sabihin tsismoso ako.

"Towel? " gulat kong tanong, bakit nandito ang towel ko sa lalaking ito?

"Yup, remember me?  Ako yung muntik ng makabunggo sayo, sorry nagmamadali kase ako' Tara magkape tayo kung gusto mo." Alok ko, hindi ko alam bakit inalok ko ang babaeng kaharap ko?  Siguro bilang paanyaya dahil muntik ko ng mabangga.

"Ah sorry hindi kita natandaan, madilim kase noon' at pasyensya kana rin kase kaagad ako tumawid' salamat sa paanyaya' nagmamadali kase ako." At tinalikuran kona ang lalaking gwapo, pero mahirap kiligin kase malungkot parin ako.

"Wait"

Napalingon ako, tinatawag na naman yata ako ng lalaking guwapo.

"Bakit? "

"A pauwe kana ba? Kung gusto mo, Hatid na kita? " alok ko, hindi ko maintindihan bakit inalok ko ang babaeng ito' hindi ako yung tipong lalaki na kaagad mang aalok sa mga babaeng hindi ko kakilala pero ewan ba,  bakit sa estrangherang ito napa alok ako.

"No, ok lang' nakakahiya. " tanggi ko' ayoko kayang magpahatid mamaya rapist pa to.

"Bakit ang dami mong bit bit na bitcuit? Para sa anak mo?" Tanong ko uli sabay turo sa hawak nya, he he mukhang makukulitan na sa akin itong babae. Pero mukha namang dalaga' alam ko kase sa isang babae yung may anak at walang anak,  sa dami na kaya ng naka sex ko alam kona sa itsura.

Hhhmmmmm..

Buntong hininga lang isinagot ko,  kaasar naman itong lalaki na ito, may problema na nga ako' napagkamalan pa akong may anak at bakit mukha naba akong may asawa at may anak?

Ayos din ng mukha pag may time gaby!

"A e sorry miss, mukhang may pinagdadaanan ka a'..  Makulit kong tanong uli sa babaeng kaharap ko. Naasar na ako sa sarili ko, bakit ba kinukulit ko itong babae na muntik ko ng mabangga?

Doon tumulo ang mga luha ko sa magkabila kong pisngi, hindi ko napigilan e'

"Ay sorry, akina yung dala mo' mas ok na siguro ihatid na kita, mukhang may malaki kang problema." At sabay kuha ko ng dalawang timbang biscuit at naiwan sa kamay nito ang mga ibang dala, hindi ko alam bakit ginagawa ko to?  O naaawa lang talaga ako sa magandang babae na kaharap ko.

JAM RAMIREZ Boy Next Door (Playboy Of The Year Series #1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon