Chapter 3

14.8K 360 18
                                    

Chapter 3..

"JAM alam ko saan ka galing. " natatawang anas ni Jake at sabay akbay sa kaniya ng kaibigan ng makita siya.

"Hindi ako makarelate ngayong gabi, tsk tsk!"  natatawa 'kong sabi habang naglalakad kami, sinalubong kase siya ni Jake ng makita siya.

"Wala na talaga akong masabi sayo bro' basta makakita ka gusto mo kaagad makukuha mo, kanina kausap mo pa lang' ngayon naikama muna kaagad! at bumigay naman kaagad." naiiling nitong Saad sa kaniya

At tumawa lang ako, "Eh, paano? kasalanan na nila iyon! Bumibigay sila kaagad.. "

Bigla napaisip siya,ilang Segundo nagsalita muli siya. "Kanina may babae akong muntik ng mabungo o nabungo kona!  Basta hindi ko alam, Hindi ko alam kung ok lang ba siya o hindi, kase mukhang nagmamadali, tssss....  Naiwan pa nga yung towel niya." sabay napasalat sa bulsang pinaglagayan ng towel ng dalaga.

"Siguraduhin mo yan bro, baka mamaya naka headline na yung pangalan mo, kung hindi headline ang pangalan mo sa pagka playboy mo' baka sa babaeng nabunggo mo baka doon malintikan ka!" saad ng kaibigan niya at nagtawanan pa ang mga ito sa biro ni Jake.

"Gago wag n'yo 'kong takutin! Tinatanong ko naman siya if ok lang sya, oo naman ang sagot niya! Problema na niya iyon! " kunot noo niyang sabi sabay upo na sa upuan at mabilis na lumagok ngng isang kopitang wine.

                ********************

Umiiyak na tulala si Gaby habang nakatingin sa inang nakahiga sa kama na wala ng buhay, hindi niya inaasahang na hindi na niya naabutan ng hindi buhay ang nag-iisang kayaman niya. Ang kaniyang ina, naisip niya hindi man lang ito nagsabi na iiwanan siya' na akala niya ay okay pa ito habang nasa trabaho siya. Lumuluha siyang hinarap ang ina na ngayon Ay nakahiga.

"Ina, paano na po ako? Paano ko po itutuloy ang buhay ko kung wala na kayo, bakit hindi man lang po ninyo pinaramdam sa akin na may nararamdaman kayong masakit, ang sabi nyo lang ok lang kayo, iinom lang ng gamot magiging ok na pakiramdam mo!  Bakit po sinekreto ninyo na may malubha kayong sakitMadaya ka inayMadaya ka! bakit ipinakita ninyo lamang na kaya ninyo ang sakit na nararamdaman nyosobrang daya mo inay! Mas kakayanin kong mamalimos sa daan o mahirapan sa trabaho kaysa sa iwanan mo ako!  Ina bumangon ka dyan! Alam ko nagbibiro ka lang po!  Alam ko po natutulog ka lang! Diba nagpaalam pa po ako hahanap ako ng pera, pero bakit hindi kana humihinga!  Ina bumangon ka po!  Inay!!" sumisigaw niyang sabi tumutulo ang luha sa dalawa niyang mata na nakatingin sa wala ng buhay niyang ina.

JAM RAMIREZ Boy Next Door (Playboy Of The Year Series #1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon