OUT OF REACH

288 11 3
                                    

Guitarist of a famous boy band, the one who loves to sing and dance, kind, handsome and Gentleman. Words aren't enough to explain how much I love Ace Arkin Fontanilla.

~~~~~~~~

"Roshiel, nangangarap ka nanaman dyan." Sita saakin ng bestfriend kong si Eunice. Inirapan ko sya at patuloy na pinagmasdan ang lalaking iniibig ko, si Ace.

"Bes, wala ka namang pag-asa dyan! Tignan mo, halatang gusto nya si Gwen." Tinitigan ko ng masama ang mahadera kong bestfriend.

"Nanampal ako. Gusto mo ma-experience?" Sabi ko sakanya. Nag-peace sign lang sya sakin.

Ibinalik ko ang tingin ko sa quadrangle. Kitang-kita ko mula dito sa classroom sila Ace. As usual, kasama nanaman nya ang kanyang mga kabarkada. Sila Gwen (na halata namang gusto nya), Summer, Rachel, Eloise, Elaine at Tyler.

Nag-strum sya ng gitara at kahit Hindi ko gaanong rinig iyon ay lumakas ang tibok ng puso ko.

Schoolmate ko sila Ace highschool palang ako. Sobrang sikat nya. Suplado kasi sya pero mabait. Ang gwapo-gwapo pa! Kasama din yan sa banda sa school namin. Marunong syang kumanta at sumayaw. Basta! Ideal guy ko sya.

Ako naman kasi, simple lang ako. Di ako gaanong pansinin sa school.

Hindi pumipirmi sa isang lugar ang tingin ni Ace. Haaaays! Killer smile talaga! Paano po ba maging sayo?

Napaatras ako sa kinatatayuan ko nang magkatinginan kami ni Ace. Saglit lang iyon pero tumindig ang balahibo ko.

Inalis nya ang tingin nya sakin at nilingon si Gwen na katabi nya. Napairap naman ako. Ayun na e. Kinikilig na ako! Peste.

Padabog akong pumasok sa classroom.

"Oh, Nakita mo na si Ace?" Tanong sakin ng kaibigan kong si Jillian. Tumango lang ako at nagkibit balikat.

I hate the way Ace looks at Gwen. Kitang-kita kasi sa mata nya na gusto nya si Gwen. It's the same fckng way I look at him. And that sucks.

Dapat ako nalang. Nakakainis.

"Ayan kasi, magkakagusto nalang dun pa sa out of reach masyado. Gising, teh!" Pagbibiro ni Eunice.

Tahimik ko nalang binuksan ang bag ko at kinuha ang notebook ko. Pilit kong kinalimutan ang sinabi ni Eunice. Ang sakit ng sinabi nya. Totoo kasi e.

Habang nagre-review kami ay napadako ang tingin ko sa sulok ng notebook ko.

Ace Arkin Fontanilla <3

I sighed. I like you a lot, but you seem so out of reach.

Out of Reach Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon