t h i r t y

404 31 5
                                    

Soonyoung's Pov 

Pagkauwi ko sa dorm namin, pumunta agad ako sa kwarto ko at nagkulong. Naiiyak ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Ang bakla man isipin pero ganito talaga nararamdaman ko. 

"Soonyoung buksan mo to!!!" Sigaw mula sa labas ng kwarto ko.

"Soonyoung ano ba?!?!?!"

Hindi ako nakikinig sakanila, kung gusto nilang buksan yung pinto edi sirain nila.

"Soonyoung, buksan mo na to." Rinig ko mula sa labas ng pinto. Si Jihoon? Bakit ba alam nila na kahinaan ko si Jihoon sa lahat ng bagay?

Wala akong nagawa kaya binuksan ko nalang yung pinto. Pagkabukas ko, mag-isa lang si Jihoon sa labas ng pinto ko. Nasaan yung iba? Umalis? O baka pinaalis niya?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Jihoon. Bigla naman siyang sumimangot.

"Ano pa ba? Gusto lang kitang kausapin ng matiwasay." Sagot niya.

"Pasok ka muna."

"May problema ka diba? Pwede mo namang i-kwento sa akin. Makikinig lang ako." Sabi niya. Napakabait talaga ni Jihoon biglang kaibigan.

"Jihoon, anong gagawin ko?"

"Tungkol saan?" Tanong niya sa akin.

"Naguguluhan ako. Nung nakipag break kasi sa akin si Selene parang hindi ako nasaktan? Alam mo ba yun? Hindi ko alam kung bakit. Tama ba yung sinabi niya sa akin na Infatuation lang ang lahat?" Sabi ko sakanya.

"Alam mo Soonyoung, hindi mo mahal si Selene. Ramdam ko yun. Tama si Selene Soonyoung, infatuation lang ang lahat ng nararamdaman mo. Alam mo kung bakit? Masyado kang padalos-dalos akala mo mahal mo na pero hindi pala. Yan ang mahirap sayo, hindi ka nag iisip puro ka salita at gawa. Wala sa puso yang ginagawa mo. Mag isip ka nga Soonyoung."

Bakit lahat ng sinabi niya sa akin, tinatamaan ako?

Putangina.

"Soonyoung, Si Ycka." Tumingin naman agad siya sa akin. Anong meron kay Ycka at parang nagulat siya.

"Ycka? Teka nga, sabihin mo nga sa akin lahat ng nararamdaman mo kay Ycka." Sabi niya. Huh? Lahat?

"Sige, ganito kasi yun. Diba magbestfriend kami since elementary? Nung time na nagconfess siya sa akin bigla akong nakyutan sakanya. Tapos kunwari wala akong pake sa sinabi niya, doon siguro nagsimula ang lahat."

"Gago ka talaga Soonyoung, anong naisip mo na gawin yun sakanya?" Tanong ni Jihoon sa akin.

"Eh kasi naghihintay na sa akin si Selene sa canteen tas nagmamadali ako baka makita pa kami ng ibang tao. Alam mo naman Jihoon yung mga tropa ni Selene. Mga chismosa." sabi ko.

"Kahit na, nakakainis yung ginawa mo sakanya. Oh, tuloy muna ang kwento."

"Tapos nung umalis na si Ycka dito sa school natin, lagi nalang ako tulala, walang ganang kumain at palaging absent kaya kami nag aaway ni Selene."

"Tapos? Tuloy mo lang gago." Wow nagago pa ako ng pandak na to.

"Hanggang sa nagbreak na kami. Meron pa pala, yung pumunta tayo kila Ycka. Nag usap pa kami ng matagal sa terrace nila bago siya umalis."

"Anong sinabi ni Ycka sa iyo?" Tanong niya.

"Nagconfess ulit siya sa akin habang umiiyak sa harap ko." Sabi ko sabay yuko.

"Bakit hindi mo manlang siya pinigilang umalis?!"

"Hindi ko naman agad yun naisip. Sorry naman. Kasalanan ko talaga."

"Tanga mo Soonyoung. Kunting tiis nalang ihahampas ko sayo tong gitara ni Jisoo." Sabi niya. Tangina ng gitara ni Jisoo. Ipatapon ko nga yun minsan sa labas ng dorm. Para wala ng manghahampas.

Galing ko talaga.

"Sorry naman, okay?"

"Huli na yung sorry mo gago." Sabi niya habang nakatingin sa salamin para ayusin ang kanyang buhok. Akala mo naman gwapo siya tsk.

"Oo na, ako na palaging gago." sabi ko.

"Realtalk Soonyoung, maniwala ka man o hindi mahal mo si Ycka." Seryosong sambit ni Jihoon sa akin.

xxx

TheFearLessB

Love Hurts | Hoshi | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon