t w e n t y f i v e

372 30 8
                                    

Soonyoung's Pov

"Hoshi, break na tayo." Nagulat ako sa sinabi sa akin ni Selene. Putangina seryoso ba siya?!

"Akala ko ba mahal mo ako?" Tanong ko sakanya. Putangina talaga.

"Hindi na kita mahal Hoshi." Sagot niya sa akin sabay yumuko siya. Totoo ba lahat ng sinasabi niya? Baka naman prank lang 'to?

"Seryoso kaba sa mga sinasabi mo? Sa totoo lang hindi 'to nakakatawa." Sabi ko.

"Hindi ako nagbibiro Hoshi. Maniwala ka naman please. Huling pag uusap na natin to. Huwag mo na akong kakausapin pa. Kahit kailan." Sabi niya sa akin sabay walk out.

Putangina masakit.

Bakit siya nagkaganito?

Kung kelan iniwan na ako ng bestfriend ko pati ba naman siya iiwan ako?

Hindi ko rin kasi alam kung bakit nangyayari sa akin 'to. Simula kasi nung umalis si Ycka dito sa school, parang nawalan na ako ng gana pumasok, gumawa ng mga assignments at nagcu-cutting classes na rin ako. Ewan ko ba, feeling ko may kulang sa buhay ko. Hindi ko alam kung sino? Pero may Selene naman ako, Palagi ko siyang kasama. Masaya naman kausap si Selene, sweet siyang tao at mabait kahit na minsan nagma-maldita. Kung ico-compare ko silang dalawa, mas lamang si Ycka.

Aish ano ba tong pinag-iisip ko?

xxx

TheFearLessB

Love Hurts | Hoshi | CompletedWhere stories live. Discover now