f i f t e e n

386 33 9
                                    

Ycka's Pov

Ang tagal naman ni kabayo pota naiinip na ako dito. Yu-yuko na sana ako ng biglang may umupo sa tabi. Sino naman 'to?

"Bawal matulog."

Tangina si Seokmin lang pala yun, kinabahan pa naman ako akala ko kasi si Hoshi.

"Yu-yuko lang naman ako kabayo." sabi ko. Libre lang naman matulog lalo na kapag nasa library.

"Joke lang eto naman hindi mabiro." Sabi niya.

"Joke ba yun? Don't me. " Sinong niloloko niya? Kain na nalang kamo siya ng damo. Madami pa namang supply sa bahay ko.

"Nga pala Ycka, may sasabihin ako sayo."

Teka bakit parang kinakabahan ako sa sasabihan niya.

"Tungkol saan yan?" Tanong ko. Sana naman hindi to tungkol kay Soonyoung este hoshi pala.

"Sayo." Sabi niya nang nakati-tig sa akin. Umiwas naman ako ng tingin baka kasi matunaw ako.

"Sakin? Huh? Bakit ako?"

"Ano kasi--"

May sasabihin na sana ni Seokmin nang may tumawag sakin, si Dino.

"Uy Ycka, kanina pa kita hinahanap!"

"Ano yun?" Tanong ko sakanya.

"Tawag ka ni Selene."

"Bakit daw? Ay teka Seokmin sa chat mo nalang yun sabihin ha. Puntahan ko lang si Selene." Paalam ko kay Seokmin. Kitang kita ko yung pagbago ng expression sa mukha niya. Bastos kasi tong si Dino bigla biglang tumatawag. Wrong timing!

xxx

Pinuntahan ko si Selene sa may likod ng school. Bakit dito kami mag uusap?

Nung nakita ko siyang nakatayo, tinawag ko siya. "Uy Selene!"

Lumingon naman siya. Ay wait, iba yung aura niya ngayon. Hindi kaya galit siya sa akin? Nakakatakot baka patayin ako dito.

"Andito kana pala." sabi niya. Ang cold niya talaga kahit kailan.

"Ano bang meron at pinatawag mo ako?" Tanong ko sakanya. Baka kasi kung saan mapunta to kaya inunahan ko na siya magtanong.

"Tungkol kay Hoshi, diba magbestfriend kayo?"

"Oo, bakit?" Sagot ko sakanya.

Shet ayoko ng ganitong usapan.

To be continued...

xxx

| a/n: pabitin lang guys lol. SeokSoon nga pala yung nasa media HAHAHAHAHAHA |

TheFearLessB

Love Hurts | Hoshi | CompletedWhere stories live. Discover now