s i x t e e n

376 32 20
                                    

"Tungkol kay Hoshi, diba magbestfriend kayo?"

"Oo, bakit?" Sagot ko sakanya.

Shet ayoko ng ganitong usapan.

"Magpa-paalam sana ako sayo na sasagutin ko na si Hoshi. Okay lang ba para sayo?"

Napatangina ako sa isip isip ko.  Bakit kailangan pang sabihin sakin yan? Mas lalo akong nasasaktan, naiiyak ako pero kailangan kong pigilan to. Baka mahalata niya.

"Ah oo, okay lang sa akin." Sabi ko.

"Talaga? Salamat Ycka. Akala ko kasi ayaw mo sa akin." sabi niya. Wow parang ang sarcastic nung tono ng pananalita niya.

"Walang anuman. Mauuna na ako Selene, may gagawin pa kasi ako." Sabi ko. Pinayagan niya naman ako at nagpasalamat ulit siya. Masyadong mabait pero sa tingin ko kunwari niya lang yun. Sus yung galawang yun? Alam ko na yun. 

Baka nakakalimutan niyo, yung babaeng yon ay isang Queen Bitch dito sa school namin. Queen na nga dito, bitch pa. Saan ka pa? Ginayuma niya ata si Hoshi kaya nainlove sakanya o di kaya inakit niya. Tsk.

Ang panget pumili ni Hoshi. Pustahan tayo, niligawan lang yon ni Hoshi kasi maputi, matangkad, sexy, maganda at english speaking.

Pero yung ugali niya? Nako, sa mukha nalang kayo tumingin wag lang sa ugali.

Masyado na ba akong mapanglait?

Normal lang yun [/wink;

xxx

Ycka
Active now

Seokmin: Ycka!

Ycka: oh?

Seokmin: Nakauwi kana ba?

Ycka: Kakauwi ko lang, bakit?

Seokmin: Anong pinagusapan niyo ni Selene? Inaway kaba niya? Ano?

Ycka: Oh kalma lang kabayo. Isa isa lang ang tanong mahina ang kalaban.

Seokmin: Sorry kinabahan kasi ako kanina nung pinatawag ka ni Selene.

Ycka: Bakit ka naman kakabahan?

Seokmin: malay mo ipabug-bog ka sa mga alipores niya.

Ycka: ayos lang yun hahahaha
           Oy kabayo ano na yung sasabihin mo

Seokmin: Magconfess kana kay Hoshi

Ycka: Ngayon? Ayoko hindi ako handa.

Seokmin: Oo ngayon na. Kaya mo naman yan eh.

Ycka: Seokmin, aalis na ako next week.

Seokmin: Ano? Saan ka pupunta?

Ycka: Sa ibang lugar na malayo dito.

Seokmin: Anong gagawin mo dun?

Ycka: Doon na ako titira.

Seokmin: Saang lugar ka pupunta? Para naman mapuntahan kita kung sakaling mamimiss kita.

Ycka: Basta, wag kanang magtanong.

Seokmin: Okay.

Ycka: yeah :)

Seokmin: May sasabihin ako sayo.

Ycka: Ano yun huh?

Seokmin: Mahal kita Ycka.

xxx

TheFearLessB

Love Hurts | Hoshi | CompletedWhere stories live. Discover now