“Lalabas ka na kumpleto tayo, anak. I promise.” I whispered.

*****

“Jasen, anong oras na? Bat ngayon ka lang bumalik dito sa kwarto? Kanina ka pang hinahanap ni Pierre.” Sabi ko kay Jase na kakapasok lang sa kwarto.

12:45 AM na at ngayon lang siya dumating dito sa kwarto. Kanina pa siyang hinahanap ni Pierre dahil nangako pala siya na maglalaro sila ng XBox bago matutulog. Si Pierre, kawawa, nakatulog kakahintay.

“Jenesis, please, I'm tired.” He groaned while removing his shirt and jeans.

I crossed my arms. “Tired? Well, guess what, Jase? I'm tired too! Pagod na ako kakaintindi sayo! Pagod na akong panuorin kayo nina Dawn at Tylan na magkasama! Pagod na akong magselos! Pagod na akong umiyak! Hindi ka ba naaawa sakin?! Samin ng anak mo?! Halos wala ka nang matirang oras para samin! Pagod na akong magsabi ng excuse kay Pierre para hindi siya magalit sayo! Hindi dapat ako mastress ng ganito dahil buntis ako! Jase, buntis ako, alam mo yan diba?! Pinagbubuntis ko ang pangalawa nating anak!” Sigaw ko habang yung mga luha ko naman ay bumubuhos na. “what happened to you, Jasen? What happened to my husband? Simula nung lumabas ang resulta sa DNA Test naging distant ka na sakin. Mabuti hindi mo nakakalimutan si Pierre. Sana paglabas ng anak ko, natin, ay nandiyan ka. I want you to see your second pup, kahit mga minuto lang tas pwede ka nang bumalik kay Dawn. Yan lang ang hiling ko sayo, huling hiling ko sayo.” Sabi ko sabay punas ng luha ko.

“M-Mama?” Rinig kong sabi ni Pierre. Nakita kong umupo na siya sa kama habang kinukusot ang mata niya.

“Let's go, Pierre.” Sabi ko sabay hawak sa kamay ni Pierre.

“Where are we going? How about Papa?” He asked pero tumahimik lang ako.

Sumulyap ako kay Jase bago lumabas sa kwarto namin. His jaw was clenched, also his fists. Hindi ko alam kung galit ba siya o nagguilty.

Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at nagmadaling lumabas sa mansion. Binuksan ko na ang kotse at pinasakay sa backseat si Pierre. Sumakay na ako sa driver's seat at nagdrive paalis dito.

Magccheck in nalang kami sa hotel, ngayon gabi lang naman. Dun muna kami titira sa dati kong bahay, pero di ngayon dahil naiwan ko yung susi sa mansion. Ipapakuha ko nalang kina Selena at Melissa.

Sinubukang pumasok ni Jase sa isip ko but I blocked him.

Di nagtagal ay nakarating na rin kami sa isang hotel na kaya pa ng pera ko. May pera pa naman akong jniwan dito sa kotse ko, may backup money talaga akong nilalagay dito.

Good thing gising pa si Pierre, hindi ko siya makakarga papasok dahil buntis ako.

“Come on, baby.” Sabi ko sabay baba sa kotse at binuksan ang pinto kay Pierre.

Bumaba na siya at mukhang antok na antok pa.

Sorry, anak.

Hinawakan ko na ang kamay niya bago nilock ang kotse. Naglakad na kami papasok sa hotel at agad ding nagcheck in.

Nang makapasok kami sa hotel room namin ay agad na tumakbo si Pierre sa kama at siniksik ang sarili niya sa mga unan at kumot. Sinara ko na ang pinto at pinatong ang mga susi sa table.

Pumunta ako sa banyo para maghilamos, namumula pa rin ang mga mata ko dahil sa kakaiyak. I was crying while driving, buti hindi nahalata ni Pierre dahil papaulanan ako nung ng tanong. Ayaw na ayaw niyang umiiyak ako, kahit palabas lang yung iniiyakan ko ay magagalit siya.

Lumabas na ako sa banyo at nilapitan na ang kama. Humiga na ako at kinumutan kami ni Pierre. I kissed his forehead before caressing his hair.

Pinahiga ko yung ulo niya sa balikat ko at hinarap siya sakin. Tinitigan ko lang ang anak ko habang natutulog siya ng payapa.

The ProtectorWhere stories live. Discover now