Chapter Fifty Five- Balloons

Magsimula sa umpisa
                                    

Kung gising lang talaga ako niyan. Baka sumabog na ako sa kilig. Sa simpleng tatlong salita ibang klase yung power ng mga salita niya. Kaya naiisip ko minsan, parang okay na na minsan-minsan lang siya magsalita. Iba naman ang epekto sa akin.

“Sssmeh” mahinang sabi ko mula sa video.

Tapos nakita kong ngumiti si Silver. Tapos humarap pa sa camera. Di ko naintindihan ang sinabi ko dahil masyadong mahina na parang bumulong lang ako. Pero proud ako sa sarili ko kasi napangiti ko siya. Ngiting abot mata.

“As you wish…” sagot ni Silver sa video.

Tapos nakita ko na lang yung ulo niya, unti-unting bumababa papunta sa akin. Slow motion pa talaga. Anong nangyayari?? Di ko alam irereact ko sa nakikita ko.

“ANONG GINAGAWA MO DITO?!!?” sigaw ko kay Silver na maang-maangan pa rin sa kinaauupuan niya habang ako ay mamamatay na sa pinapanuod ko.

“’Sabi mo halikan kita eh…” kiming sagot niya.

So ibig sabihin? Yung sinabi ko kaya siya ngumiti sa camera ay… Kiss me??

 

 

 

“Oh My God…” nasabi ko na lang nung nakikita ko na yung ginagawa niya. Para na akong mabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko. Waaaah. Bakit kailangan niya pa itong videohan???

Kailangan ko tong idelete… Nasaan ang delete??

“OPS.”

T.T

Inagaw niya sa akin yung cellphone niya bago ko pa nabura.

“ANO BA NAMAN KASI SILVER! MAMAYA MAY MAKAKITA NIYAN EH!?!?”


“Eh ano?” ibinulsa niya na naman yung cellphone niya.

>o<

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon