Chapter 27 : Selfish Goal

3K 93 19
                                    

There was no time.

Ramdam nilang lahat ang malakas na pagsabog sa loob ng lagusan. Isa pa o dalawa pang beses na ganun katindi ang pagsabog at malamang, masisira ang malaking bahay ni Ayden at tuluyan na silang lahat kakainin ng tubig sa ilalim ng karagatan.

Agad na pumasok si Ayden sa malaking kwarto na hindi naman kalayuan kung nasaan si Fate nagpapahinga at dali-daling binuhat niya si Fate papalabas. Habang si Jewel naman ay walang imik na sinusundan ang mga yapak ni Ayden, hindi niya kayang hindi titigan ang babaeng nasa bisig ng lalaki.

“Anong nangyayari Ayden?” Pagtatakang tanong ni Fate. She could sense his uneasiness but there was nothing that she could do about it. She was hopeless now without her pendant. Ni hindi niya alam kung nasaan na ang pendant niya. Ang huling alam niya, kinuha ito ni Sunshine sa kanya. Malamang, nandoon pa rin ‘yun kay Sunshine.

Ramdam niya ang mabilis ng pintig ng puso ni Ayden habang buhat-buhat siya at ang kanyang mukha ay nakasandal sa kanyang dibdib.  Kung pwede lang makita ang paligid.

“We are under attack.” He’s voice was still calm. Paano niya kayang nagagawang kalmado ang lahat sa sitwasyong ito?

“Attack?  By whom?”

“Gorgons.”

Fate went silent. When this fighting  would be over? Ganito na lang ba parati habang nabubuhay pa siya?  Hindi siya tatantanan hanggat hindi siya napapatay?

Ganito ba kalupit ang tadhana niya?

Tinitigan ni Jewel and babaeng gamit ang kanyang katawan ngayon. Taglay nito ang kanyang kaibig-ibig na mukha kahit na nababalutan ng piring ang kanyang mga mata. Isang kagandahan na naging dahilan ng kanyang sumpa at pait sa buhay. Isang kagandahan na pinaibig ang lahat at kasama na doon si Poseidon.

Pero hindi niya maintidihan kung ano ang nangyari sa babaeng ito at ganito ang naging kalagayan pati na din ang katanungan kung nasaan na ang kaisa-isang bagay na maaaring magligtas sa kanya sa kapahaman.

“She doesn’t have her necklace.”

“It’s a long story.” Si Ayden na sumagot habang mabilis silang naglalakad papunta sa sala ng bahay.

“She will be defenseless.”

“I know.”

They were finally here, just as what Ayden had expected to happen. Gorgons in the water were defenseless. Here, he could have a chance to fight with them all.  Or better, it would be a chance to end everything here.

What’s the plan?” Xien asked as they were all trapped in the bottom of the ocean. Hawak-hawak na niya ang kanyang itim na palaso at pana. Talagang naghahanda na sa isang madugong labanan. Pero lagi namang ganito si Xien. Masuwerte at hindi busy ang lalaking ito ngayon. Malaki ang advantage ng pakikipaglaban kapag kasama niya si Xien.

Tumahimik saglit si Ayden habang palinga-linga pa sa paligid kung saan ang magandang pwesto para kay Fate.

“You don’t have a plan?”

Hindi siya sumagot. He had a plan of course. Hindi sila pupunta dito kung wala siyang plano. Pero nawawala ang isang taong kailangan niya sa mga oras na ‘yun.

Si Ivan.

“We need to wait.”

Pati si Jewel hindi na din siya maiintindihan. Halata sa maganda nitong mukha na naguguluhan. “You don’t have a plan are you?”

ADK II: Cupid's Slave (✔️)Where stories live. Discover now