Chapter 1 - the First Kiss

18.2K 349 115
                                    

"A kiss is a lovely trick designed by nature to stop speech when words become superfluous."
-Ingrid Bergman

Thesa POV

Ilang oras na kaming naghahanap ni Jazmine sa kanyang nawalang Fiancé.

Gosh, awang-awa ako ngayon sa bestfriend ko dahil bukas na ang kanilang kasal.

Saan ba kasi pumunta si Charles? The runaway groom... huwag naman sana!

Masasaktan na nga ang bestfriend ko, mawawalan pa ako ng scope sa magazine ko.

Gosh, double trouble!

Tiningnan ko ang cellphone ko, wala paring updates mula sa mga kaibigan ni Charles.

.

Mag-5:00pm nang nakatanggap ng tawag si Jazmine mula sa kaibigan ni Charles na si Joshua kaya dali-dali kaming sumakay ng sasakyan at nagpahatid sa kanyang driver sa kinaroroonan nito.

Pagdating namin ng Reception Hall. Natigilan ako sa aking nakita, "Wala paring dekorasyon Bes?" My goodness, hindi na ba talaga matutuloy ang kasal? Napalaki ang aking mga mata. Hindi ito maaari.

Sinalubong kami ng mga kaibigan ni Charles na sina Daniel at Joshua. "Sabi ng coordinator, pinatanggal na ni Charles lahat ng dekorasyon." mahinang sambit ni Daniel.

My goodness, hindi ako makapaniwala. Napatingin ako kay Jazmine ngunit mabilis na siyang pumasok ng hall.

Gusto kong maiyak, "Bakit? Ano ba kasi ang nangyari kay Charles? Gosh!"

Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Daniel. Nagpasya narin akong sundan si Jazmine sa loob.

Nakita kong nakaupo sa sahig si Charles habang ikinukulong niya ang mukha ni Jazmine. Hindi naman maipinta ang kanyang mukha dahil punung-puno iyon ng mga luha.

"Gosh, nagkakaaminan narin sila! Kahit kelan ang drama talaga ng lovestory ng bestfriend ko!" ngiting sambit ko at tiningnan narin ang dalawang lalaking nakasunod sa akin.

Napatawa naman sina Daniel at Joshua.

Maya-maya'y dumating narin si Tito Maurine, "Anong nangyari?" pagtatanong niya. Hindi ko naman siya masagut-sagot.

Kasunod ang pamilya narin ni Charles na dumating. Nagtatanong din ang mga tingin.

Nagbaling akong muli kina Jazmine, gosh! Napatakip ako ng mga labi. Hugs ang kisses, nakakakilig talaga sila.

Napalapit ako sa kinaroroonan nila. "Bes," mahinang tawag ko. "Puweding after the wedding niyo na ipagpatuloy 'yan?" kinikilig pang sabi ko.

Nakipagkalas naman si Jazmine kay Charles, "Pambihira ka Bes, panira ka ng moment!" ang natatawang sambit niya habang napako parin ang atensiyon kay Charles. Pinunasan pa niya ng mga daliri ang mga luha niyon saka inayos ang magulong buhok at damit saka tinulungan na niyang makatayo.

Nagpalakpakan naman kaming lahat. Gosh, mahal na mahal niya talaga si Charles! At walang dudang mahal na mahal rin siya ni Charles. Makikita sa mga titigan nila sa isa't isa.

"Tuloy na ba ang kasalan JA?" ngiting tanong ni Tito Maurine habang papalapit narin sa kinaroroonan nila.

"Tuluy na tuloy na papa!" si Charles na ang sumagot at muling niyakap si Jazmine.

Napalapit narin sa kanila ang pamilya ni Charles.

Napangiti narin ako.

Atlast! Gosh, tuluy na tuloy narin.

Be Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon