Chapter 15: We Meet Again, Part 2 (Her POV)

Start from the beginning
                                    

"Haaaaaay." Nagpakawala ako ng malalim na hininga at humarap na sa dalawang katulong na nag ayos sa akin.

"Maaari na kayong bumalik sa ginagawa niyo. Salamat sa tulong niyo." Sabi ko sa kanila at kiha na ang gamit ko.

Pakiramdam ko. May bagay na mangyayari ngayong araw na di ko inaasahan. Ewan ko bahala na mamaya.

Naglakad na ako palabas ng kwarto patungo sa sentro ng palasyo pero bago muna ay dumaan muna ako sa kwarto ng aking amang hari para magpaalam. Ngayon ay nasa tapat na ako ng kwarto at kumatok.

"Ama? ako ito maaari ba akong pumasok sa loob?" tanong ko mula sa labas ng kwarto niya.

"O, aking prinsesa, sige bukas yan!" sagot naman ng aking ama mula sa loob. Pagkapasok ko ay nakita ko ang ama kong nakaupo sa lamesa niya at may binabasa. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti.

May katandaan na ang aking Ama ngunit makikita mo parin ang matipunong pangangatawan nito. Kaya naman maraming mahahalay ehem mahaharlikang Babae ang gusto mapalapit sa ama ko. Haaaaay iba kasi ang alindog ng aking ama.

Tumayo ang aking ama at hinayag ang dalawang kamay para anyayahan akong yakapin kaya lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap.

"Kamusta ang pinaka-maganda kong prinsesa? Maganda ba ang gising mo?" Tanong  sa akin ni ama.

Tumingala naman ako at kumunot ang noo. "Haaaay aking ama, nambola ka pa. Lagi naman akong masaya sa piling mo kaya wala ka pong dapat ipagka-alala sa akin." sagot ko sa amang hari.

Tinitigan naman ako sa mata ng aking ama na parang binabasa ang nasa isip ko kaya naman napaiwas ako ng tingin. Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng labi ng aking ama sa sentido ko at muling nagsalita. "Nasabi sa akin ni Lynda na nagiging matamlay ka raw nitong nakaraang araw Ivon. May problema ka ba anak?" Pag aalalang tanong sa akin. Humiwalay naman ako ng pagkakayakap sa akin ama at umiwas ng tingin. Di ko alam kung saan ako kukuha ng salita. Alam ko naguguluhan ang aking ama sa mga inaakto ko pero di ko kayang sabihin lahat.

"Anak, Oo di kita madalas nakakasama dito dahil sa mga kaganapan sa palasyo at alam mo iyon di ba? Marahil nga di pa nga kita gaanong kabisado kaya minsan nalulungkot ako at naiinis sa aking sarili. Simula ng mawala ang iyong In—"

"Ama, Huwag na natin pagusapan yan. Matagal na panahon na nangyari yon at alam ko kung nasaan man siya ngayon ay masaya na siya. At alam ko rin ama na binabantayan niya tayo palagi." Sagot ko sa aking ama at Ngumiti.

Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi ng aking ama at niyakap muli ako.
Sinagot ko rin ng magigpit na yakap ang aking ama at tumagal ng ilang sigundo.

"Anak, ama mo ako. Kung may problema ka maaari mo sabihin sa akin ang lahat. Huwag mong sarilinin yan. Nandito lang ako anak." Sabi ng aking ama at hinigpitan ang yakap sa akin. Tumango nalang ako at binigyan siya ng halik sa pisngi. "Salamat Ama" at ngumiti sa kanya.

Nagpaalam na ako sa kanya at lumabas na ng kwarto. Alam ko maiintindihan ako ng aking ama pero di pa ako handa sabihin ang lahat. Balang araw masasabi ko rin kay ama.

Pagkalabas ng Palasyo ay nakita ko agad ang karwaheng maghahatid sa akin at sinalubong agad ako ni Roxy at
Jabel.

Nakita ko naman ang pagyuko nila simbolo ng pag-galang. "Mahal na Prinsesa handa na po umalis ang karwahe." Sabi ni Roxy at tumango nalang ako at sumakay.

Nagsimula ng umandar ang karwahe. Sinandal ko lang ang ulo ko sa bintana ng karwahe at nakasilip sa labas. Maya-maya ay makakarating din kami sa Laraym Academy.

****
"Mahal na Prinsesa nandito na po tayo." Pahayag ni Roxy.

"Salamat Roxy. Maaari na kayong bumalik sa palasyo. Ako na ang bahala unuwi magisa mamaya at paki sabi kay Ama ng baka matagalan rin ako sa pag-uwi." Sabi ko kay Roxy

Lost Phantasia: The World of Azuregard [REVISING]Where stories live. Discover now