"May suot ka bang pangbaba?"

"Syempre, may undies ako 'no! Ano ba, Bali."

Inirapan ko siya. Hawak hawak niya sa kamay nya ang malaking babasagin na lalagyan ng lasagna. Kalahati na 'to kase tira nga lang namin kanina. Naupo siya ng naka-fold ang legs, lalong nagpakita ang makinis at maputi niyang hita. Seryoso ba siyang wala siyang shorts man lang???!

"Hindi gan'on ang ibig kong sabihin, Bal. Shorts? Naka-shorts ka ba?"

Kumunot muli ang kilay niya pero hindi yun nagtagal. Hindi talaga sanay sumimangot.

"Ano bang suot 'pag natutulog? Gusto mo ba mag-nighties pa 'ko, Bal? Oh, eat ka na." sumubo siya ng kaunting pasta saka ako muling tingnan. May sumisilay na ngiti mula sa labi niya na pilit niyang tinatago.

Nako, Kathryn. Huwag mo kong hinahamon sa ganyan dahil mahirap!! Mahirap ang ano, jusko ka.

Huminga ako ng malalim at saka siya humalakhak. As in, bigay na bigay na tawa.

"Bal.. I'm just teasing you. Syempre I'm wearing cycling shorts naman. Di lang halata kase umaakyat yung shorts.." nagpigil siya ng tawa, "I know that you're too conservative--"

"I'm not 'too' conservative, ayoko lang ng ganun."

"I know," in-offer niya ang kutsara na may laman na pasta. Wala namang kagatul-gatol kong sinubo yon. "Masarap?"

Tangina din talaga ni destiny. Ngayon pa talaga ako sinusubukan. Jusmio!

"Oo, Bal. Mas masarap yan kung ikaw nalang ang kakain. Busog na ko kung busog ka din."

Ngumuso siya kaya di ko napigilang hilahin siya sa braso at halikan sa pisngi.

"Sige na please, ikaw nalang kumain. Kain ka tapos I'll just watch."

"Promise, you're not hungry?"

"Promise tangi.."

Tinitigan ko lang siya habang kumakain siya at the same time nags-scroll sa phone niya. She's not wearing any make-up, sabi ko nga, sa ganyang style na Kathryn ko nasasabi na sobrang ganda niya. Maganda na siya kahit may make-up, mas maganda siya pag natural lang.

"Bal.." tawag ko sa atensyon niya.

"Hmm?"

"Bakit ako ang napili mo sa dami ng lalake sa mundo?"

Nangunot muli ang kilay niya sa pagtataka. Teka, ang weird ko na ba?

"Sige, I'll answer you kahit ang corny at random ng question mo." She put the plate on the side table, bago niya hinigit ang comforter at tumabi saken.. "Umm? Where should I start?"

"Ikaw. Take your time." inabot ko ang kamay niya saka ito pinaglaruan. Inayos ko din ang mga nakatabing na buhok malapit sa mata niya.

"Hmmmm. Sige. First, thankful talaga ako kase nakilala kita. Hindi lang nakilala, naging part ka na ng buhay ko. Diba lagi ko namang sinasabi sayo na you made me out of my shell? Kase ikaw nagpakita at nagturo sakin ng maraming bagay. And I'm very grateful for that. Naging mature ako sa maraming bagay dahil sa'yo." hinalikan niya ang kamay kong hawak din niya. Tumango ako at nagpatuloy siya.

"Second Bal is, ikaw lang naman ang nakatiis sa ugali ko bukod kay Mama. Andiyan si Mama kase anak niya ako eh, kadugo ko siya so I know no matter what happen, di niya ako iju-judge. Pero ikaw, hindi ko in-expect na tatagal ka sa ugali ko. Diba nga, sobrang moody ko? So, thank you dun.

And lastly, I love you as you are. Lahat ng meron at ano ka, mahal ko at tanggap ko yun. Kahit ano ka noon, at kahit maging sino ka pa sa darating na panahon, mahal pa din kita. Kase that's my choice. We love because we choose to love. We stay, because we choose to stay. Mahal kita, kase pinipili kong mahalin ka hanggang ngayon. Corny man pakinggan, love. Hindi ko talaga maisip na wala ka. Parang, 'paano ako? paano na?' mga ganun ang naiisip ko.. At eto, wala ng mas cocorni dito. Ready?" tumango ako uli at pinunasan ang nangingilid niyang luha.

"Wala akong maisip na dahilan para sukuan ka. Naalala mo ba yung tinanong satin ni Vice sa GGV? "Anong kasalanan ng isa't-isa ang magiging desisyon mong hindi mo na siya mapapatawad?"  Wala akong maisip na sagot nun. Buo kase ang tiwala ko sa'yo. Hindi ko sinasabing hindi ka na magkakamali ever, dahil nobody's perfect pero mas na-overcome ng tiwala ko sa'yo. Kaya Bal, I assure you, ikaw lang. Ikaw lang ang first sa lahat eh."

Hinalikan ko siya sa noo at saka niyakap siya ng mahigpit.


"I-lock mo na yung assurance mo."

"How?" tanong niya.

"Kiss." ngumuso ako sa harap niya na nagpatawa naman sa kanya ng malakas.

"Huwag ka masyadong maingay, Bal baka magising sila. Papagalitan tayo." tawa ko ng mahina.

"Ikaw eh. Napaka-hokage mo!"


"Sus, mamaya ikaw na naman manghingi ng kiss." Ipinatong ko sa kabilang gilid ng bewang niya ang isa kong kamay. Para na siyang nakakulong sa braso ko, pero nasa gilid pa din ako nakapwesto. Gets nyo ba?


"Ay, Mr. Ford kailan ako nanghingi ng halik sa'yo aber?! Nag-iimbento ka masyado, Bali."


"Bal, huwag ka na magkaila. Tingin mo palang na ganyan, yan! Ganyang ganyan ang tingin mo, nanghihingi ka ng kiss saken!"

"Aba. Excuse me! Hindi ko naman alam na assuming ka pala, Bal?" tumawa siya at medyo inangat ang siko niya dahilan para lalong maglapit ang distansya naming dalawa.

"Tangi.. Huwag ka ng ano dyan.. Aminin mo na. Tsk."

"Bal?!"

"Sige na, Bal.. Sabihin mo na kaya.." pang aasar ko sa kanya.


"Shut up." inirapan niya na ko kaya natawa na ko. Pikon talaga!

"Sorry na Bal.. Di ka talaga mabiro. Pero may seryoso akong request."


Yakap ko siya habang inaamoy ang buhok niya. Kita na naman ang inis sa mukha niya. HAHAHAHA

"What?"


"Close your eyes muna.." Hindi naman siya nag-atubiling sumunod. Sorry mahal, surprise kiss muna. 😉


Hinawakan ko ang pisngi niya saka siya hinalikan ng marahan. I just want to show her kung gaano ako kasaya na kasama ko siya. Thankful din ako dahil may Kathryn ako. Mahal na mahal ko 'tong babaeng 'to. Ipaglalaban ko ng patayan 'to. Kahit sa gyera magsasama kami, tumagal lang kaming dalawa hanggang dulo.



"I love you, tangi." hinalikan ko siya muli sa noo at binigyan ng sobrang higpit na yakap.


"I love you, Bali." bulong niya saken.


Sabi ko nga diba, wala na kong hihilingin pa kase parang nasa akin naman na ang lahat. Ipagdasal natin na hanggang dulo kami ni Kathryn. Yun nalang 💙















*

Feel free to suggest anything. Thank you 😘 Tweet nyo ko kung gusto nyo ng makakausap haha! @abzlcro

Barcelona: A Love Untold on its 2nd Blockbuster Week! Sana nakawatch na kayo lahat. Ako, miss ko na si Ely and Mia so baka manood ako uli this week. 😄

💙💙

Off The Record (OFFCAM)Where stories live. Discover now