Nakamove on naman na talaga, ayoko lang talaga ng presence niya. Naiirita ako. Kung dati gustong gusto ko siya, ngayon kumukulo ang dugo ko.

"Alam mo naman na naiinis ako sa kanya diba? Naiirita. Tapos isasama niyo pa. You know, kayo na lang, tsaka marami din akong gagawin" sabi ko sa kanya.

"Glaiza naman, Friday naman ngayon eh. Sige na huwag kang KJ. Magtatampo kami ni Kath." Pagpupumilit ni Chynna sa akin.

"Haysss. Fine! Anong oras ba?"

"9pm. So see you later, Ms.De Castro"

Wala naman na akong magagawa. Pumayag na ako. Bahala na.  Agad akong bumalik sa classroom, at chineck na ang seatwork na pinagawa ko.

Yes! Uwian na! I really need coffee right now.

Pagdating ko sa coffee shop, tumaas ako agad, at pumuwesto sa puwesto ko.

"Good Afternoon ma'am. Ano pong order nila" wala ata si Rhian.

"Si Rhian?" I ask the waitress.

"Ay ma'am, nasa baba po"

"I want her to serve me, I hope you don't mind."

"Ok po ma'am, tawagin ko lang po siya" 

Ilang sandali lang ay tumaas na si Rhian.

"Good afternoon ma'am. What is your order?" Napangiti naman ako, dahil feel ko nainis ko to.

"You" casual na sagot ko.

"Excuse me?" She ask.

"I said, ikaw ang order ko. Kaya mamaya, susunduin kita dito ok? And please, bring me some black coffee. Thanks" balak kong isama si Rhian sa pagbabar namin, ayoko naman mabwisit ako kay Sanya.

"Paano kung ayoko?" Palaban to.

"What if I want to? Tsaka sige na. Para naman makapagrelax ka. You've been working so hard, you deserve some fun you know" pagpupumilit ko sa kanya.

"Even if I want to, but no thanks. I just want to rest. Im tired." She said..

"But today is Friday. And tomorrow is your off. Right?" Wala siyang work dito bukas, kasi nga off niya. Sabi ko kasi dapat lahat ng empleyado dito, may off per week.

"Yes you're right. But I have another job. Hindi naman kasya yung kinikita ko dito just to survive"

"Ok. Ganito na lang. Magpaint ka ulit. And I'll buy it. Siguro naman, ibebenta mo yun ng tama right? Kasi yung painting na binili ko sayo. Hindi worth it yung presyo. Masyadong mura. Your art is magical, at dapat yung presyo magical din. I'll buy your painting for 100k." I said to her. Gusto ko kasi yung painting niya eh.

"Paano kung ayoko?" 

"Are you always like this? Stubborn? A hard headed person?" I ask her..

"Yes I am. Hindi ako basta basta sumusunod sa utos ng ibang tao. I have my own life to control." She said.

"Ok then. Di na kita pipilitin. So you please, bring my coffee, Ms.Ramos" 

"Sure, Ma'am" inirapan lang ako nitong babaeng to. Grabe natutuwa talaga ako sa kanya. Hahaha.

Pauwi na ako sa bahay, at napapangiti pa rin ako sa mga nangyari sa amin ni Rhian kanina, nag eenjoy ako sa pakikipagkulitan sa kanya. So sa ayaw at sa gusto niya, isasama ko siya mamaya.

Come Back HomeWhere stories live. Discover now