Chapter 15

8.1K 201 4
                                    

Chapter 15

ANG mommy ni Darlo ay nagpasiyang pansamantalang patuluyin sa kanilang mansyon ang mag-iina. Sumang-ayon rin naman ang Don at ang tatlong kapatid ni Darlo. Mas makabubuti kung doon muna sina Via.

Tatlong araw na mula nang umalis ng mansyon si Dario ay hindi pa rin ito bumabalik. Ang sabi lamang ni Alex ay namamalagi ang kapatid sa condo unit nito. Naalala naman ni Via ang babaeng si Radelyn. Naroon siguro ang dalaga. Malamang kasama nito ang nobya.

"Mommy?" Untag sa kanya ni Darren. Kandong niya si Jimmy samantalang ito ay katabi niya. "Okay ka lang po ba, mommy?"

Nginitian niya ang anak. Hinaplos ang buhok nito. "Okay lang ako, anak."

"Gusto mo po bang ipasyal ka namin ni kuya, mommy?" Tanong ni Jimmy.

Nang gabing umalis si Darlo ay nagkaayos din ang magkapatid. Hindi naman nila matitiis ang isa't isa. Mababait na mga bata ang anak nila. Maayos kasi nilang napalaki ni Enrico.

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong niya sa dalawa.

"Sa mall, mommy!" Sagot ni Jimmy.

"Oo nga po. Hindi pa tayo nakakapasyal doon. Saka, madami po tayong makikita doon!" Sabi naman ni Darren.

Via smiled. Siguro kung wala ang kaniyang mga anak ay hindi niya kakayanin pa ang dadaan pang mga araw. Hanggang ngayon, nalulungkot pa rin siya sa pagkawala ni Enrico. But, maybe, that is what God planned. Alam niyang may plano ang Diyos para sa kanila.

---

TATLONG araw na siyang nagkukulong sa unit nya. Mabuti na nga lang at hindi pa umuuwi si Radelyn galing sa kamag anak nito e. Kung hindi ay makikita nito ang parang binagyo niyang unit.

Nagkalat ang mga bubog sa sahig bunga ng pagbabato nya ng bote noong umuwi siya roon. Ang mga papel, mga instant noodles, mga damit, mga upuan, gulo-gulo na. Wala siyang pakialam kung ano mang itsura niyon. Naglabas lang talaga sya ng sama ng loob.

Galit sya. Pero hindi kay Via. Galit sya sa sarili nya. Bakit kasi hindi sya nakinig noon sa babae?

Napaigtad siya mula sa pagkakaupo sa sahig nang mag ring ang kanyang cellphone. Nang makita niya ang caller ay para siyang tangang agad iyong dinampot mula sa sahig. Tumayo siya at kabadong sinagot iyon.

"Y-yes, Via?" Nanginginig na sagot niya.

"Busy ka ba? Nag aaya ang mga bata na magpunta ng mall kasama ka." Sabi nito. Naririnig pa niya ang hagikgikan ng magkapatid sa kabilang linya. "If okay lang naman sa'yo."

"O-oo naman. Okay sa akin. Teka, nasaan ba kayo at nang ma-sundo ko kayo." Natarantang naghanap si Darlo sa loob ng silid ng idadamit.

"Nandito kami sa---" naputol ang pagsasalita ni Via nang may sumigaw...mula sa labas ng condo niya.

Her Secret Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon