Chapter 14

7.4K 204 21
                                    

Chapter 14

ISANG linggo na mula nang ilibing si Enrico. Ibinurol ito sa bahay ng kaniyang mga kaibigan na sina Sofia at Alayna. Pumunta ang mga kamag-anak nito ilang araw lang at nagsi-uwi rin sa Cebu.

Halos walang tulog at pahinga si Via. Hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin siya sa pagkawala ng kanyang asawa. Napag-alaman rin niya na hindi rehistrado ang kanilang kasal ni Enrico. Ikinuwento iyon sa kanya ng ina ng lalaki. She can't blame Enrico. He needs her the most nang talikuran si Jimmy ng tunay nitong ina. At kinailangan rin niya ang lalaki dahil walang tatayong ama kay Darren.

Naroon siya ngayon sa silid nilang mag ina. Matagal bago nakatulog si Jimmy. Hindi matanggap ng bata ang nangyari sa ama nito. Panay ang iyak nito at hindi humihiwalay sa kaniya. Mabuti na nga lang at nakatulog na ito ngayon.

She closes her eyes as tears flowed about again. She remembered that time when she left Darlo Miguel...

Five years ago...

VIA is really excited that night. Kinabukasan kasi ay kasal na nila ni Darlo. Naghiwalay pa nga sila ng tirahan dahil pamahiin iyon ng mommy at daddy ng lalaki. Naroon ito ngayon sa mansyon at siya ay nasa condo unit nito.

Nakangiti siyang dinampot ang kanina pang ring ng ring na telepono. She answered it not looking at the caller.

"Hello?" She excitedly answered.

"Via Jane Millandres." Ani tinig ng isang lalaki. "Nasa amin ang ama mo."

Her heart skips a beat. "S-sino 'to?"

"Hindi mo na kailangang malaman pa." Sabi nito. "Pumunta ka sa address na ite-text ko sa'yo. Kapag hindi ka pumunta, papatayin ko ang ama mo. Maging ang soon to be groom mo na si Darlo Lorenzo." Humalakhak ang lalaki sa kabilang linya. "One more thing, walang pulis. Ikaw lang."

HINDI alam ni Via kung ano ang gagawin. Nanginginig niyang dinayal si Darlo. Gusto niyang sabihin sa kanyang nobyo ang nangyayari.

Her Secret Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon