Chapter 5

7.6K 201 2
                                    

Chapter 5

Alex knew about Via's pregnancy that time when she left his kuya Darlo. Sinabi iyon ng mommy niya sa kanya. Siya kasi ang inatasan ng ina na hanapin si Via. He's a detective that's why siya lamang ang sinabihan ng ina.

Hindi naging madali ang hanapin ang babae dahil masyadong malaki ang Maynila. And unfortunately, nalaman niya noon na nagtungo ito sa Naga, City sa Bicol. Doon ito nanirahan for five years.

Wala siyang masyadong impormasyon sa babae hanggang malaman niya na mayroon na itong anak. Iyon nga ay ang anak nila na si Darren. At ang ikinagulat niya ay ikinasal ito sa isang lalaking nag ngangalang Enrico Serdad. Nagkaroon sila ng anak na lalaki, si Jimmy Serdad. Namuhay ang mag asawa na payapa at masaya. Ngunit, ayon sa kaniyang tauhan, may sakit raw ang Enrico na iyon. Minsan na raw itong naisugod sa hospital roon.

Palihim niyang kinakausap ang mom and dad niya sa tuwing may nalalaman siyang impormasyon at naawa sila kay Via at sa kanilang apo. Malungkot silang tatlo dahil hindi man lamang nalaman ni Darlo ang tungkol sa pagbubuntis ni Via.

At ang ikinalungkot niya ay ang dahilan ng pag alis ng babae.

"Tito Alex? Okay ka lang po?" Untag sa kaniya ni Darren na ngayon ay nakakandong sa kanya. "Tulala po kayo."

"Sorry." He faked a smile. "Kumusta naman pala ang mommy mo? Matagal ko na din siyang hindi nakikita."

Nalungkot ang mga mata ni Darren. "Ayun po, nagtatrabaho para may pang kain kami. Kinailangan nya pa pong lumuwas dito para lang matustusan ang pangangailangan namin ng kapatid kong si Jimmy."

Ram looked at him. "You have a brother?"

"Opo. Si Jimmy po ay kapatid ko sa mommy pero hindi kay itay. Apat na taong gulang na po sya." Darren smiled. "Kung may pera lang po ako, susunduin ko si Jimmy tapos pupunta kami kay mommy."

The two men looked at the little kid's cute face. Halatang naghihirap rin ang bata sa sitwasyon nito. Parang kumirot naman ang dibdib ni Alex.

"Baby?" Biglang dating ni Darlo at naka-kunot pa ang noo nito nang makita sina Alex at Ram.

"Daddy!" Masiglang bumaba mula sa kandungan ni Alex si Darren at tumakbo palapit kay Darlo.

Darlo smiled. Ngayon na lang ulit nakita ng mga kapatid ang ngiti niya. Palagi kasi siyang nakasimangot. He patted the boy's head at inilapag ang pinadeliver na pagkain sa may center table.

"Kumain ka na tapos dadalhin kita sa bahay. Kailangan mong magbihis. Ang dungis mo na." He leveled himself sa bata. "And you look tired. Maybe you should rest first."

Her Secret Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon