Chapter 9

6.8K 187 5
                                    

Chapter 9

HINDI nakagalaw si Via sa kinatatayuan nang magtama ang mga mata nila ni Darlo. Matiim itong nakatingin sa kaniya at kitang-kita niya ang pagtatangis ng bagang nito. Alam niyang galit na galit ito sa kanya.

But, she needs to be strong. Para sa mga anak nya at kay Enrico.

"Darlo, stop being a jerk. Kasalanan mo kung bakit nandito ang asawa ni Via." May inis sa tono ng Don. "Via, lalabas lang muna ako. Dito ka na muna--Darlo!-"

Naputol ang sasabihin ng Don nang bigla na lamang siyang hilahin ni Darlo nang 'di niya namamalayan. Susunod pa sana si Jimmy pero pinigilan niya ang anak.

"Mommy!" Sigaw ni Jimmy.

"Dyan ka lang anak! Bantayan mo si tatay! Babalik ako!" Sigaw nya at tuluyan na silang nakalabas sa loob ng silid ng hospital.

LUMABAS lamang sandali si Darlo kanina upang bumili sana ng makakain ng batang si Jimmy. Iyak ito ng iyak kanina at awang-awa siya. Nahimasmasan siya at sinisi ang sarili sa nagawa kanina. Nasaktan kasi siya. Nasaktan siya nang malamang may ibang asawa si Via at may anak ito sa iba. And worse, Darren is his son! Bakit wala man lang siyang kaalam-alam.

Ngunit nang nasa tapat na siya ng pintuan, nadinig niya ang boses ni Via. "Tahan na, anak..."

Parang piniga ang puso niya. How he misses her sweet voice. How he misses the woman who made him happy in every way. At mas lalo siyang nasaktan nang makitang hinahaplos nito ang mukha ng 'asawa' nito.

Why, Via? Why him? Did you left me because of him? Gustong itanong ni Darlo kay Via ngunit wala siyang lakas ng loob para itanong iyon.

Ang tangi niya lamang nasabi ay ang masasakit na salita dito. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mga mata nito. At nasasaktan siya.

Ngayon, hila-hila niya si Via palabas ng hospital. He is really mad. Very mad. At kapag galit sya, nawawala siya sa katinuan. At si Via ang kasama niya. Kaya ito ang pagbubuntungan niya ng galit niya.

"D-Darlo..." Mahinang sambit ng babae. "N-nasasaktan ako..."

"I don't fcking care." Pagkasabi niyon ay marahas niyang binitawan ang braso nito. Itinulak niya ito at napasandal ito sa kotse niya. "Nasasaktan ka, Via? Really?" Nang-uuyam niyang wika.

"Darlo...." Kita niya ang takot sa mga mata nito.

But he doesn't care. Kinakain siya ng galit niya para sa babae. "Afraid? Hah! Ngayon ka pa natakot, Via? Sa loob ng limang taon, ngayon ka lang nagpakita sa akin! Sa loob ng limang taon, dinadala mo pala ang anak ko! Napaka-galing mo! At bumalik ka pa talaga? Para saan? Para ipakita sa akin na may iba ka na? Bakit? Mas magaling ba sya sa kama? Is he a good fcker than me?!"

Her Secret Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon