Chapter 6

6.9K 190 2
                                    

Chapter 6

HINDI dalaw-dalawin ng antok si Via. Nag aalala pa rin siya sa kanyang anak. Sinisisi niya ang sarili kung bakit ito tumungo ng Maynila. Kung hindi lamang sana nito naramdaman ang hirap...

She sighed. Paano kung nakita nga ito ni Darlo? Paano kung hindi na nito ito ibigay sa kanya?

Pero naisip rin niya, paano nga kung ito na ang makakapag-bigay sa kanyang anak ng kaginhawaan? Kailangan nitong makapag-aral at kailangan ng isang buong pamilya.

Pamilya... Sounds funny though.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Via at kaagad niya iyong binuksan. Unknown number ang nakarehistro.

Sinagot pa rin niya. "H-hello? Sino 'to?"

"Hi, ate Via." Isang baritonong boses ang nasa kabilang linya. Ngunit bakas dito ang isang masayahing tono. "Kumusta ka na ate? Matagal na rin mula nang magkita tayo ah. Sumali ka ba na ba sa track and field after five years? Lakas mo'ng maka-runaway bride!" Tumawa pa ito.

"A-Alexander? I-ikaw ba 'to?" Nauutal na wika niya.

"The one and only." Sumeryoso na ito. "By the way, I want to talk to you, ate."

"P-paano mo nalaman ang...numero ko?" Kinabahan siyang bigla. Hindi kaya, alam na ni Darlo kung nasaan siya?

"I'll explain it to you later, ate. I need to talk to you. I'll text you the address. Bye." Ibinaba na nito ang telepono.

Nasapo ni Via ang dibdib. Kinabahan siya. Hindi kaya, tama ang hinala niya na nakita n ni Darlo si Darren? Tumayo siya ng mabilis at tinungo ang banyo. Kailangan niyang makausap si Alex.

---

"APO, where's your mom?" Tanong ng mommy ni Darlo kay Darren habang maganang kumakain ng hapunan ang bata.

Natigilan ito saglit. Mukhang nag isip. Panandaliang sinulyapan nito ang may edad na babae saka nagsalita. "Hindi ko po alam, lola. Nandito po sya sa Maynila pero hindi ko po nai-tanong kay itay kung nasaan po s'ya."

Nangunot ang noo ni Darlo. May tinawag itong itay. Maybe the boy's dad. Pero, pakiramdam nya ay nainis sya sa isiping iba ang ama nito. Pero bakit? Hindi naman niya kilala ang bata. Ni hindi nga niya alam ang pangalan ng nanay nito e.

"Baby, what's your mommy's name?" Bigla niyang naitanong.

'Tila namutla bigla ang mommy at daddy ni Darlo. Nagkatinginan ang dalawang matanda. Si Darren naman ay napalingon sa kanya. Parang may gustong sabihin na hindi masabi.

"Jane po..." Mahina nitong sambit. Ipinagpatuloy ang pagkain.

Jane. Sounds familiar to him. Parang nay kakilala rin siyang Jane. Pero sino sa mga Jane na kilala nya? Wait, bakit niya iyon naiisip? Kailangan ba niya iyong isipin?

"B-bakit mo naman naitanong iyan, anak?" Tanong ng mom nya.

"Well..." Tumikhim sya. "I just want to help him, mom. Gusto kong ipahanap ang mommy nya." Palusot nya. Pero may iba pa talaga siyang pakay bukod doon.

Her Secret Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon