Tumunog ang bell ng elevator hudyat na bababa na siya.  Alam niyang maiiwan ang dalawa dahil sa ninth floor pa ang baba ng mga ito.

"Jun, drop by my office later.  Let's talk about it, 'kay?" masuyong bilin niya bago siya lumabas ng elevator.  Concerned siya rito hindi lang bilang Tournament Coordinator nila kundi bilang ate at kaibigan na rin.

"No need.  Kami na lang ni Aljun ang mag-uusap," pahabol na sagot ni Ricci bago tuluyang sumara ang elevator.

----------
NAPAKUNOT-NOO si Mika sa natanggap na reply kay Aljun. Tinext niya kasi ito kanina para itanong kung gusto nitong magstroll sa mall or manood ng movie mamaya pagkatapos ng practice nila. Gusto niya kasing makausap ito ng masinsinan para malaman kung ano ang totoong nararamdaman nito. She wants to be sure na okay lang talaga ito. Getting over a heartbreak is never easy, alam niya 'yun.  What more kay Aljun na almost seven years na ang relationship?  Gusto niyang tulungan ito kung anuman ang pinagdadaanan nito ngayon.

"No need, Ate Mika.  Nagkabalikan na po kami.  May girlfriend na ulit ako.  Medyo selosa po siya so sana po 'wag niyo na 'ko i-text or tawagan."  Iyon ang sagot nito sa kaniya.

Si Aljun ba talaga ang nagtext?? nagtatakang tanong niya sa isip niya.  Kasasabi lang kasi nito kanina na hindi siya nito tinatawag na 'Ate'.

Gusto niyang tawagan ito para makasiguro pero kung totoo ngang nagkabalikan ito at ang girlfriend nito, ayaw naman niyang maging cause ng away ang pagtetext or tawag niya.

She shrugged her shoulders and replied, "Okay, Aljun.  Just let me know if you need someone to talk to."

Hindi na ito muling nagreply kaya hinarap niya na ang tambak na paperworks niya.  Nalibang na siya sa ginagawa kaya't hindi niya na namalayan ang oras.  Kung hindi pa kumalam ang tiyan niya ay hindi niya malalamang alas-sais na pala ng gabi.

Nagligpit siya ng gamit at naghanda na para umuwi.

Saktong kakasara niya lang ng pinto ng opisina nang lapitan siya ni Aljun.

"Good thing you're ready," sabi nito.

"Ha?  Ready saan?" nagtatakang tanong niya.

"Ano'ng saan?  'Di ba you asked if I want to watch a movie?  So, I'm here," nagtataka ring balik-tanong nito.

"You texted me, 'di ba?  Sabi mo no need na kasi nagkabalikan na kayo ni Kathy at selosa siya," sagot niya.  "I'm actually happy for you, Aljun.  Work it out at 'wag na ulit kayong maghiwalay.  True love is hard to come by.  'Wag mo na'ng pakawalan 'pag natagpuan mo na."

"Woah, wait lang..." natatawang awat nito sa kaniya.  "First of all, that's not what I messaged you.  Second, Kathy and I didn't get back together.  She's already in the States to continue her studies.  Sino ang nagtext sa 'yo?"

"Ikaw kaya," giit niya habang dinudukot ang cellphone sa bulsa ng bag niya.  Binuksan niya ang text nito sa kaniya kanina at ipinakita rito.  "Here, read this."

"Tang'na, Ricci!" iiling-iling na sabi nito pagkabasa sa message.

"Ano??"  Hindi niya alam kung ano'ng kinalaman ni Ricci rito.

"Nothing.  Just forget about that message, Miks.  I was hacked by some crazy dude.  Let's go?" yaya nito.

"Ah, o, sige," sabi na lang niya at hindi na nag-usisa pa.  "Pero let's eat first, ha?  Gutom na 'ko, eh."

Idol QueenWhere stories live. Discover now