EBMD 22

33.9K 858 37
                                    

FB: Tinea Garcia

EBMD 22

TAHIMIK akong kumain sa tabi ni Tiago Lance. Ipinagpasalamat ko na nasa kabilang table sina plywood kung hindi ay baka hindi ko natantiya ang sarili ko.

"Ehem." I ignored Dindin's mumble and finished my meals. Naiinis kasi ako. Parang wala lang kay Tiago Lance ang ginawang paghalik sa kanya ni Georgina. Looks like he doesn't mind my sudden silence...

Malapit na kami sa admin building ay hindi pa din ako umiimik. Nauna nang pumasok sa office sina Dindin at Zol samantalang nasa bungad pa lang kami ni Tiago Lance ng building.

"Here." Sinilip ko ang inabot ni Tiago Lance sa gilid ko. I saw a bar of Toblerone on his hand.

"Ano iyan?" Nakalabing tanong ko. He reached out my hands and put it there.

"Kainin mo." Bumungtunhininga ako at ibinulsa na iyon. Nagpatuloy kaming naglakad sa pasilyo. Napasilip ako sa aking kamay ng hawakan iyon ni Tiago Lance. He squeezed it gently.

"Kanina ka pa tahimik. What's wrong?"

Sumingkit ang mga mata ko. "Hinalikan ka ni Georgina kanina. Wala siyang karapatang gawin iyon!" I bit my lower lip as my jelousy came out instantly.

"Dahil doon kaya ka nagkakaganyan?"

Kumunot ang noo ko nang umiling iling siya sa akin. Anong dahil lang doon?

"She's kissing you in public, while I can't even do that." Mariin kong utas. Sumimangot ako ng ngumisi siya. He stopped and gently pinched my nose.

"You're being childish again, but I like it. You're cute."

"I told her not to do that again because you'll get angry." Umangat ang kilay niya nang makita ang dagling paglabas ng ngiti ko. I have to admit, hanggang mga mata yata ang kilig ko.

Kaya ba hindi nakishare sa table namin sina Ruie kanina ay dahil ramdam ni Tiago Lance ang inis ko? Kung tutuusin ay maraming bakanteng upuan pa sa hanay namin.

"I'm going." Tiago Lance said when we're at the door of our office. Matiim niya akong tiningnan. Pansamantalang naghinang ang aming mga mata. He lifted my chin and lowered his face. I closed my eyes when I felt his smack kiss. Dampi lamang iyon ngunit milya milya ang narating ng puso ko.

"I'll see you later." Namulsa siya at tumalikod na sa akin. I was still there, quietly tracing my lips. I could still feel his lips next to mine. Hindi ko tuloy maiwasang mapatili sa sobrang kilig.

Seconds and minutes passed by, followed by hours and days. Halos hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw. Tiago Lance always fetch me, dine with me and drive me home after work. Sa bahay kami kakain dahil magluluto siya roon. Then he'll leave and spend his time doing his work at home.

Alam kong busy siya kong kaya hindi ko siya iniistorbo sa text. He's also not a fan of texting, that's what I discovered. As much as possible, I want to be the best girlfriend, so I'm trying hard not to nag him.

Katatapos lamang ng tawag ni kuya Damon sa akin nang makareceive ako ng text mula kay Tiago Lance. The last time I texted him was 3 hours ago. I asked him if he arrived home safely and he said yes. I replied and told him I won't intervene with his work. Hindi na siya muling nagreply pa.

Tiago Lance: I'll call you if you're still up.

Halos magtatalon ang puso ko ng magreply ako sa kanya. My phone ring.

"TL..." Hindi maikakaila ang pananabik sa boses ko nang sagutin ko ang tawag niya.

"Did you drink your milk?" Nakaugalian na niyang tanungin sa akin ang bagay na iyon. Tiago Lance is simply sweet in his own way. Hindi siya ganoon kashowy but I appreacite every gesture he's doing for me.

Austen-Henderson Series 5: ENCHANTED BY MR. DEANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon