EBMD 13

35.8K 902 61
                                    

#Wattys2016 official entry

FB: Tinea Garcia

EBMD 13

"BAKIT PARANG mga pusang inahin kayo diyan na hindi mapakali sa tabi?" Natatawang litanya ko nang mabungaran ang pagkataranta nila Zol at Dindin sa harap ng kanilang computer.

"Barbie! Check your email!" Ika ni Dindin sa akin. Kunot ang noong sinilip ko sila matapos buhayin ang computer ko.

They were checking for cocktail dresses and gowns on an online shop.

"Bakit?"

"Basta, check mo email mo. Dali, para naman makarelate ka." Kusa akong bumalik sa upuan ko at hinintay na magload ang computer. I typed in my username and password.

"Dindin bagay kaya sa akin iyan, girl?"

"Loka. Ang itim mo na nga magneneon pink ka pa. Jologs mo girl, ha!"

"Parang hindi ka uling diyan, Zol!" Ismid ni Dindin kay Zol. Napalingon akong muli sa kanila habang nag-aargumento sila sa damit.

I hovered the mouse and opened my emails. I run through my messages. Isang partikular na imbitasyon ang nakita ko mula sa human resources.

You are invited to the Annual acquiantance ball. Sa susunod na linggo na iyon.

"Ano, Manika. Nakita mo na ba ang email?" Excited na lumapit sa akin sina Zol at Dindin.

"Grabe girl. Excited na ako! Hindi ko yata naenjoy ang js Prom ko noong high school ako, nuh!" Zol remarked.

"Truth! Saka pagkakataon na natin ito para maisayaw ang mga Bachelors natin dito sa Unibersidad. Oh my god!" Naiiling kong tiningnan ang pagtalon talon ng dalawa sa harapan ko.

Based from what I've read on the email blast, Imbitado lahat ng empleyado sa party.

"Oh, Manika. Parang hindi ka excited diyan?" Nagkibit balikat ako at kuryosong tumingin sa kanila.

"Dadalo ba si Tiago Lance?" Pupunta lamang ako roon kung pupunta din si Tiyago Lance. The night will only be magical If and only Tiago Lance will be there.

"Iyon lang. I don't remembered Dean Lance went to any of the University's party. Kahit Christmas party ay hindi niya sinisipot, eh."

"Eh di hindi na rin ako pupunta." Napalabi ako ng magreak ang dalawa.

"Uy, Manika. Ano ka ba! Masaya iyong party. We'll meet a lot of people from other colleges. Party iyon para sa mga employee ng University! Huwag kang kj!"
Bumungisngis ako ng dismayadong nagsibalikan ang dalawa sa table nila. "Aayusan ko na lang kayo, girls. I'll also help you with the clothes."

Bandang alas onse ng tumayo na ako sa mesa ko. "Saan ka pupunta, Manika?"

"Ihahatid ko lang ang mga result ng psychological evaluation sa College of Criminology." Sabay pang umangat ang mga kilay nila sa akin. Parehong ngisi din ang nakapagkit sa mga labi nila. Natawa na lang ako sa mga panunudyo nila.

Bitbit ang bag ng resulta ay lumabas na ako sa office. Binuksan ko ang payong at nagsimula ng maglakad.

"Ms. Barbie!" Napalingon ako nang may tumawag sa akin.

He was the young boy who helped me find this University during my first day. Ilang araw na din niya akong tinutulungan sa bitbitin tuwing naglalakad ako.

I know this young man is infatuated with me. Hindi ako magtataka kung lagi niyang inaabang ang paglabas ko ng admin building.

"Saan po ang punta ninyo?" He hurriedly walked to reach me.

Austen-Henderson Series 5: ENCHANTED BY MR. DEANOnde histórias criam vida. Descubra agora