EBMD 8

35K 792 18
                                    

#Wattys2016

Add me on FB: Tinea Garcia

EBMD 8

"GUSTO mo?" Iniumang ko sa kanya ang kinakain kong Carbonara. Sarap na sarap ako sa pasta na iyon. Halos nakalahati ko kaagad ang laman ng plato. I sipped my buko shake.

"Hindi nga kasya sayo." Pag-iling ni Tiago Lance saakin.

Napairap ako. Para na din niyang sinabing matakaw ako.

"Oorder pa ako ng isa kung gusto mo, TL." Umiling siyang muli at nilabas ang kanyang cellphone. Excited na nilabas ko din ang cellphone ko at iniusog sa harapan niya.

As usual, his forehead wrinkled. Inilapag ko muna ang kubyertos at nakangiting hinaplos ang noo niya. "Alam mo, nakakatanda ang pagsimangot o hindi naman kaya ang palagiang pagkunot ng noo."

Hinuli niya ang kamay ko. I was speechless as I felt the warm of his held. I looked at our hands. Sadyang bagay na bagay ang kamay naming dalawa.

I giggled secretly. My eyes raised on his coffee blank eyes.

I wonder what Tiago Lance is thinking?

Iniisip din ba niyang bagay kami? Nararamdaman ba niya iyong kuryente na nararamdaman ko?

Matagal na nangusap ang aming paningin. My eyes twinkled as I smiled gently to him. Kaagad naman niyang binitawan ang aking kamay. "Mas gwapo ka Tiago Lance kung ngingiti ka palagi."

Hindi siya umimik. Hay Tiago Lance, kelan ka ba magiging madaldal?

"Pahingi ako ng contact number mo, Tiago Lance." I swiped and unlocked my phone 's security code.

"Why do you need my number?" Umangat ang kilay niya at napalabi naman ako.

Ang arte talaga nitong si Tiago Lance. Pakipot lagi.

"Don't worry, hindi kita kukulitin. Iuupdate kita sa assessment result ng college ninyo."

"You can send the report in my office. No need to contact me."

"So..." I cocked him a brow.

Tinudyo tudyo ko siya ng pagkakangisi ko. "Mas gusto mo palang nakikita ako palagi? Is that so, Dean Tiago Lance Thompson?" Humagikhik ako ng umawang ang bibig niya.

Oh, my Tiago Lance is so adorable!

" Here, pakidial nalang ha?" He sighed deeply. Ngiting tagumpay na naman ako ng iabot niya pabalik ang phone ko.

Two points, Barbara!

I immediately called the number. Mas lalong tumamis ang ngiti ko ng magring ang phone niya.

"Iyan ang number ko, Tiago Lance. Isave mo, ha?" Pinandilatan ko siya ng paningin bilang pagbabanta.

Mahirap na, baka di isave ang number ko, and worst hindi sagutin ang tawag ko!

KINAGABIHAN, pabiling biling ako sa higaan habang iniisip kung itetext ko si Tiago Lance. I know he's still awake because his room still has a light.

Sumandal ako sa pader at tumipa ng message. Pagkuwa'y sinend ko iyon sa kanya.

Ako: Tiago Lance, gising ka pa?

Matagal kong tinitigan ang cellphone ko pero wala akong natanggap na reply niya. Sumimangot ako at nagtipa muli.

Ako: Si Barbara ito. Nasave mo na ba number ko? Isave mo na ha.

Wala pang ilang minuto ay nagtext akong muli sa kanya.

Austen-Henderson Series 5: ENCHANTED BY MR. DEANWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu