EBMD 16

34.5K 849 65
                                    

EBMD 16

HINDI ko matanggal ang maluwang kong ngiti habang mayat maya kong sinusulyapan si Tiago Lance sa aking tabi.

Mariin kong kinagat ang aking labi dahil nag-uumapaw ang kilig na nararamdaman ko. Parang kanina lamang naiinis ako sa kanya pero dahil sa simpleng sagot niya, nalusaw na kaagad iyon. Gosh!

I held my chest as my heart flutters eratically. Hindi ako mapakali. It's as if I want to tell Tiago Lance how he made me feel really good about his words. Binigyan ako niyon ng pag-asa.

"Is something wrong? Hindi ka yata mapakali?" He inquired.

Mas lalong namula ang pisngi ko nang sulyapan niya ako. Tumikhim ako at marahang tinampal ang magkabila kong pisngi.

Sinikop ko ang buhok na tumatabing sa aking mukha dahil sa lakas ng hangin roon.

Tumikhim ako at sinalubong ang nagtatanong niyang tingin. "Wala naman, pinapakilig mo lang ako, Tiago Lance!"

Kung pwede lang na doon na lamang kami ni Tiago Lance hanggang sa matapos ang acquiantance ball. Walang kaso sa akin iyon.

Binalik niya ang tingin sa soccer field pero hindi nakaligtas sa aking mga mata ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi.

Ilang beses na ba siyang ngumiti ngayon?

"Can you keep your feelings to yourself? Masyado kang prangka. It's not good for a woman to do the first move."

Humakbang ako paharap sa kanya. I captured his stare with my curious eyes. "I'm just being honest."

"Do you find that annoying Tiago Lance? Turn off ka ba sa babaeng prangka katulad ko?"

Bumungtunghininga siya at umiwas lamang ng tingin sa akin. "Ano? Turn off ka ba? Wala bang pag-asang magustuhan mo ako, Tiago Lance?"

Gumilid ako at makulit na hinabol ang kanyang mga mata. Dumilim ang ekspresyon niyon. His jaw tightened.

Sumikdo ang puso ko nang magkasalubong ang kilay na hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "You're not aware how they've feasted on your clothes, Barbara."

"Ha?" Patuya siyang umiling. Hinila niya ang dulo ng dress. Palunok lunok kong tiningnan ang seryoso niyang mukha habang inaayos ang damit ko. I felt his warm hands on my skin.

"Sht!" Halos mapugto ang hininga ko nang mahuli ang pagsulyap niya sa aking dibdib. My cleavage showed up after he pulled down the hem of my choker red dress.

"Ano bang klaseng damit iyan!" Napalabi ako habang namumulang hinila paitaas ang damit ko upang matakpan ng konti ang cleavage ko.

"Stay here." Ngunit makulit ako at umabante para sundan siya. Saan ba siya pupunta? "Sasama ako, Tiago Lance."

Naniningkit ang matang binalingan niya ako. Napaingos lamang ako nang makita ang nandidilim niyang ekspresyon. "Hihintayin kita."

Wala pang ilang minuto ay nakabalik na galing gymnasium si Tiago Lance. "Suutin mo ito."

Imwinestra niya ang coat niya sa akin. I smiled and slid my arms inside his black coat. I find his gesture really sweet.

"Ang sweet mo naman." Magiliw kong hinuli ang tingin niya kahit na seryoso pa iyon.

Malamig na din naman sa labas kaya tamang tama lang ang coat niya sa akin. "Ang bango bango pa!" Humagikhik na sinampo ko ang coat niya.

Smells like Tiago Lance! Pakiramdam ko yakap niya ako!

"Huwag mong tatanggalin iyan." Tumango ako sa nagbabanta niyang tinig. I like the sound of his voice.

"Aye aye captain!" Bungisngis ko. Humarap akong muli sa kanya kapagkuwan.

Austen-Henderson Series 5: ENCHANTED BY MR. DEANWhere stories live. Discover now