EBMD 15

35.5K 877 22
                                    

EBMD 15

"GANDA!" Manghang manghang pinagmasdan nila Zol at Dindin ang kanilang sarili matapos ko silang ayusan.

"Kami ba talaga ito?" Natatawa akong tumango sa kanila habang pinapasadahan pa din nila ng tingin ang kanilang kabuuan sa salamin.

Creamy long dress ang suot ni Zol at dark blue cocktail dress naman ang kay Dindin.

Dahil tuwid ang buhok ni Zol ay kinulot ko na lamang ang dulo niyon. Plinantsa ko naman ang kay Dindin para umunat iyon. I did their make up and so far, it made them look good.

"Maganda naman talaga kayo eh, kelangan lang palutangin." Napahagikhik ako nang sugurin nila ako nang yakap.

"Thank you, bhe!"

Bumalik ako sa silid ko para mag-ayos na din. Sinuot ko ang red choker dress ko. Off shoulder long sleeve iyon na hanggang gitna ng hita.

I blow dried my hair and started applying make up. I bunned up my hair and wear a pearl earings afterwards. The black clutch bag complimented my 5" black plumps.

Naabutan ko silang nagkukuhanan ng litrato nang lumabas ako ng silid. Lumingon sila sa akin nang marinig ang mga yapak ko.

"Tara?" I asked them.

Instead of answering me, they immediately headed towards me. Nanlalaki ang mga matang pinalibutan nila ako.

"Ang ganda ganda mo naman, Manika!" Paulit ulit na litanya ni Dindin.

"Truth! Hindi ka bagay dito sa probinsya! Bagay ka sa Edsa!" Segunda naman ni Zol.

"Edsa?" Nagtatakang tanong ko.

"Sa billboard, bhe! Bagay kang endorser!" Dindin said.

"Pero, di nga Manika? Hindi ka ba talaga mayaman? Familiar kasi ang mukha mo, eh! May kamukha ka talaga!" Zol added.

"Kamukha ko nanay ko." Bungisngis ko. "Tara na nga at hindi kung ano ano pang sinasabi ninyo diyan!"

INILIBOT ko ang paningin ko nang makaupo na kami sa mesa na laan para sa amin. Mangilan ngilan pa lamang ang dumarating dahil alas sais imedya pa lamang. The party will start at exactly 7 pm. I think this is mostly the time where programs usually starts. Unlike in the city, parties usually starts at 10 pm.

Wala pa siya... Bumungtunghininga ako nang hindi matanawan si Tiago Lance sa gymnasium. Baka mamaya pa nga siguro siya makakarating. Nagtatalo ang isip na kinalikot ko ang aking phone. Should I text him?

"Barbie." Umangat ang ulo ko upang sinuin ang tumawag sa akin. Ruie was now standing in front of me.

"Hi Ruie." He lifted my hands so I stood up.

"You're so beautiful, Barbara!" He squeezed my hand and kissed the back of my palm. Naasiwa ako sa paghalik niya sa aking kamay.

"And you are too, Ruie!" Lihim akong napangiwi nang maramdaman ang malagkit niyang tingin sa akin.

"For you." Tinanggap ko ang stemmed rose na bigay niya.

"You look stunning Zol and Dindin." Bumaling siya sa dalawang katabi ko sa mesa. They giggled after saying thank you to Ruie.

"If you girls won't mind, can I borrow Barbie for a while?" Tumango naman sina Zol at Dindin.

"Let's go?" Sumama ako kay Ruie sa pagbabakasaling makita ko si Tiago Lance. I've been really pinning to see him.

Ano kaya ang suot niya?

"You're very gorgeous, Barbs. I'm so lucky to walk beside you."

Austen-Henderson Series 5: ENCHANTED BY MR. DEANWhere stories live. Discover now