“Bakit Ming?” Tanong ko at agad nya namang pinakita sakin ang conversation namin ni Mei. “O ano ngayon?” I have read those messages. Ano namang nakakagulat sa mga ‘yon?

“Hala teh, look mo kaya ng maigi!” sabay turo nya sa isang message ni Mei. Ang pinakauna nyang reply.

“And?” taas-kilay kong tanong.

“So slow teh! Talo mo pa si Cutie.”

Aba lang. Ipakumapra ba naman ako sa alaga nyang pagong?! Oo, Cutie ang pangalan ng pagong nya.

“Look! Sabi nya, she’s at Xako’s house, which is Sir’s house. Meaning pinapapunta nya tayo sa bahay ni Sir!” Nag-sparkle lang naman ni Ming-Ming ng sabihin nya sakin ang kanyang realization... at syempre isali nyo na din ako! Hihihi.

“KYAAAAAH!” Nasigaw ko. Nagtatatalon nga kami habang umiikot sa sobrang tuwa.  “Halika na teh! I’m so excited naaaaa!”

Sa uber na excitement na nararamdaman namin, nakalimutan na namin ang oh so hot sun rays.  Nagtatakbo na kaming pumunta sa bahay ni Sir na hindi na iniinda ang init. Ito talaga nagagawa ng mga gwapo samin ni Ming-Ming!

Madali naming nahanap ang bahay ni Sir. Iisang bahay lang naman ang katabi kina Mei na walang stand na may nakasulat na ‘For sale’.

“This is it!” Sabi ko at papasok na sana sa bukas na gate. Kaso napansin ko hindi nakasunod si Ming-Ming. “Oy. Ano ba? Hindi ka pa ba papasok?”

“Wait. Magpapanganda muna akech. Where’s my powder ba?” Hinalukay na nya ang bag nya.

Aish. Ako na nga rin din. Kahit jowa pa ‘yan ng best friend namin, kailangan maging maganda kami sa paningin lalo na at si Sir pa.

Nagsuklay. Nagpulbo. Naglip gloss. In short, nag retouch kami bago pumasok ng bahay. Kulang nalang, iplantsa ulit ang mga suot namin.

“Ayos na ba? Hindi ba haggard looking?” tanong ni Ming-Ming sakin habang nagpapaikot-ikot.

Umiling ako. “E ako ba?” tanong ko while batting my eyelashes.

Umiling din sya saka naghalukay na naman ng something sa loob ng bag nya. “Ano na naman ba hinahanap mo teh?”

“Perfume Cyl! Amoy pawis tayo… it’s disgusting!” Sabi nya. Inamoy ko naman sarili ko. I still smell good. Dahil siguro sa downy na ginamit ni Momsy. Hahaha.

But to make sure nalang na hindi panget amoy ko, kinuha ko ang perfume ko at inispray sa paligid at umikot-ikot ako. Ganyan ako magpabango.

“Wala dito ang perfume ko!” Naiiyak nyang sabi. Nako. Pers taym nakulangan sya ng dala.  

“Ito nalang o. Tagal mo!” sabay abot ko sa kanya ng perfume ko.

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Where stories live. Discover now