Chapter 29 Part 4

13 0 0
                                    

N's POV

Ba't antagal naman niya? Dapat andito na siya ngayon ah---

"N!!!!!!!!!!!!"

Siya na 'yan... I turned around. "O Judz..."

He crossed his arms. "Judie..."

I sighed. "Parehas lang yun..." I saw him pout. "O ano?"

"Che...Makangiti ka naman dyan..."

"Dali na...How was it?"

Kunwari pa 'tong susungitan ako tapos bigla na lang akong pinagpapapalo sa braso. Di niya din pala kayang itago na tuwang-tuwa siya. "Ah grabe ka N... Ang galing-galing mo! Ang galing-galing mo talaga!! Diosa siya diosa.... Ang ganda!! Grabeee!!"

Napansin kong napahinto yung ibang staff sa paligid namin.

"Oo guys...Wait lang kayo later...Makikita niyo din siya..." Talaga 'tong so Judz, lumabas nanaman kayabangan. Well, ‘di ko siya masisi. Maganda nga siguro talaga kinalabasan kasi ganyan na lang siya ka-excited e.

“Asan na siya??”

“Wow ha…Exciteeed?? Try try namang ‘wag masyadong halata, N.”

Baliw talaga ‘to. “Oy Jude, tinatanong kita…” Ayan nagsalubong tuloy mga kilay niya. E ang kulit kasi e.

“Judie no! Judie!”

“E kung sagutin mo na lang kasi ako ng maayos e. Asan na nga siya??”

“Edi syempre dun sa---” Bigla siyang natigilan. Alam ko na kung bakit. Aba naman kasi… yung ibang staff halatang nakikinig e.

He rolled his eyes saying, “Hay nako ha…Try try namang ‘wag masyadong chismosa pag may time…”

Bumaling na siya ulit saken tapos ibinulong niya na lang.

“Ah okey…good…”

“O now… Ikaw naman…  Let’s do your make up…”

Medyo in-incline ko yung position nung chair. “Sige ‘kaw na bahala…” Pinikit ko yung mga mata ko.

“Aba, nakuha mo pang matulog e saglit lang naman ‘to tapos magpapalit ka na…”

Gusto ko talagang maidlip muna e para ma-relax ako, kaya nung ‘di na ako nagsalita, “Ay really, N?? Ay nako… sige na nga… bahala ka kung mabitin yung tulog mo…”

Tingin ko nakaidlip nga talaga ako e. Nung una naiisip ko pa kung ano kaya yung ichura ni Ayen ngayon tapos maya-maya ‘di ko na namalayan… tapos nagising na lang ako sa pagtapik-tapik saken ni Judz. “Uy N… gising na… gising…Tapos na…”

* blink        blink*

“Ha??” Medyo blurred pa yung paningin ko kasi nga bagong gising. Nakailang kurap pa muna ako bago naging clear sa paningin ko yung mukha ni Judz.

“Ha ka dyan… Para ka lang si Ma---” Napakagat siya ng labi tapos napaupo naman ako ng derecho. Muntik na siya.  Natigilan nanaman kasi yung mga staff sa paligid namin.

“I mean… si Hayna…”

Kumunot yung noo ko. Hayna?

“Oo si Hayna…” Kinindatan niya ako sabay lapit para ibulong saken yung sasabihin niya, “Ha kasi siya ng ha saken e… o kaya naman hay nako… kaya yun naisip ko… Brilliant no??”

Pabulong ko ding sinabi na, “Pwedeee… pero muntik ka na kanina ah…”

He moved to the back of my chair and turned me to face the mirror. “Muntik lang naman e…” He smiled at my reflection.

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon