Chapter 22

17 0 0
                                    

N's POV

Ah...kapagod...Hmm?

I was on my way back to my room dito sa Admin when I saw her. Alam niyo na kung sino. Naka-hood kasi ako at mukha siyang nagmamadali kaya siguro di niya napansin na nagkasalubong kami sa may entrance. Pagod na talaga ako kaso ewan bakit nagtago ako sa may gilid tapos sinilip ko siya. Si Manong guard na-curious din siguro sa ginawa ko pero dedma lang siya. Di naman kasi nila ako pwedeng pakealaman e.

Ano bang meron? Hinihintay niya ba yung kaibigan niya? Teka, lapitan ko kaya? Nakoo...baka maasar nanaman 'to. E teka, di ko naman siya inaasar ah, kinakausap ko lang siya e, kaso ewan ko ba bakit ganun na lang siya palagi maka-react sa akin...pero okey lang, nakakatuwa kaya.

Lalapit na dapat ako e.

"Hello?" Bigla naman siyang tumawag.

"Myrin, san na kayo? Magfo-4:30 na e..." Biglang kumunot yung noo niya. Bakit kaya?

"Ha? PE class? Oo, meron ako kaso di naman ako pwede sumabay sa inyo diba...Baka sa ibang araw pa ako..E mga what time matatapos?...Ha? 5:30 pa?? Hala...Sige sige...Mauuna na lang ako...kelangan mga 6 nakauwi na ako...wala sila Mamu dun e...Mag-aalala yun pag tumawag mamya tapos wala pa pala ako sa bahay...Sige na ha..Oo, oo sige..Ha? Oo nga, ano ka ba, masyado ka namang nag-aalala...Sige sige...Babay"

Napakamot siya ng ulo. Halatang namomoblema e.

Teka nga, ibig sabihin ba nun di sila sabay uuwi? E pa'no sya?

"Ah bahala na..." Bigla siyang may kinuha sa bag niya? Wig? Para saan? Nagulat ako nung isuot niya yun tapos nagsuot din siya ng eyeglasses. Aba...ang galing ah, nag-iba yung ichura niya...pero syempre makikilala ko pa din.  Siguro dahil nakita ko siya na gawin yun.

Bigla na siyang naglakad paalis. Teka, ano'ng balak niya? Wag mo sabihing magko-commute siya pauwi?? Ewan ko, napasunod na lang ako bigla sa kanya.

Aba, malakas pala pakiramdam nito. Muntik na ko dun ah. Lingon siya ng lingon sa likod e, parang nararamdaman niyang may nakasunod sa kanya. Teka, ambilis naman maglakad nito. Aba, ang galing ah...parang alam na alam niya yung pasikot-sikot dito...mga shortcut ata 'tong mga dinaanan namin e...

Bigla siyang huminto.

Sinundan ko kung san siya nakatingin. Talaga?? Ambilis namin ah. Ayun na pala yung main gate e. Hmm...parang alam ko kung ano iniisip nito...kung paano siya makakalabas.

Naglakad na siya ulit...papunta dun sa may guard. Ano bang iniisip niya?? E di naman siya papayagan e.

"Teka,miss..." Sinalubong siya ng guard. Yan na nga sinasabi ko. "San ka pupunta?"

"Pauwi na po sana ako..."

"Asan yung sundo mo?"

"Di po ako masusundo ngayon e..gagabihin daw sila..."

"Ah..edi sumabay ka na lang dun s shuttle bus mamya...Bawal lumabas ang estudyante ng mag-isa, baka nakalimutan mo..."

"Ay ganun ba manong?" Imposibleng nakalimutan niya yun. Isa yun sa mahihigpit na rules ng university. Ano ba talagang iniisip niya??  "E mga what time po aalis yung shuttle dito?"

"Ah, first time mo lang ba? Mga 6 pa...kasi ang pinaka-last na klase e natatapos ng 5:45."

"Hala manong..e nagmamadali ako e..di ako pwedeng gabihin..."

"E wala akong magagawa,miss. Di naman kita pwedeng payagang---" Tingin ko nakita ni Manong guard yung brooch niya. "Ay,ma'am, di niyo naman po sinabi saken...Tatawag lang po ako saglit dun sa transpo dep't." Halatang nataranta si Manong sa pagtawag e. Pinaupo niya muna si Ayen. Si Ayen naman, parang di mapakali, tingin ng tingin sa oras. Tingin ko iniisip niya ng lumabas ng gate habang tumatawag si Manong sa loob e kaso baka naisip niyang 'wag na lang, kasi siguradong mapapagalitan yan si manong pag nagkataon.

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon