Chapter 24

16 0 0
                                    

N' POV

Ano ba talagang iniisip ng babaeng yun ha?? Naiinis tuloy ako.

I grabbed my phone. "Call Ayen"

Aba, di sinasagot?? "Call again"

"Baket??" Aba, siya pa masungit!

"Asan ka??"

"Pauwi." ABAAA...TALAGA NAMAAAAN...

"Diba sabi ko---"

"Nakatulog na nga ako e tapos wala ka pa...syempre uuwi na ako, anong oras na kayaaa...."

"Hintayin mo ako dun sa may bookstore na pinasukan mo dati. Ihahatid kita pauwi..."

"HA??? E pa'no yun e nasa Admin ka pa?? Ano bang sinasabi mo dyan...Sige na, babay na, malapit na 'ko..." Binaba niya yung phone.

Alam ko...kasunod mo lang ako e.

Nakita kong bumaba na siya ng shuttle. Tsk. Pasaway talaga. Sabi ko maghintay dun sa bookstore e!

"Manong, itabi mo muna..." Bumaba ako ng kotse tapos sinundan ko na siya. Anong balak niya, sasakay nanaman ng jeep?? Sabi ko na ngang delikado e...

Habang sinusundan ko siya, naalala ko nanaman tuloy yung nangyari kahapon.

Huh? Lumagpas siya dun sa may terminal ng jeep?? TEKAAA...Sasakay siya ng---

Naman talaga! Buti na lang binilisan  ko kundi--- Teka...asan na ba siya?? Ansikip naman dito. Nakatayo na yung iba e...Asan na ba yun??

Ayun pala. Aba, nakasiksik pa siya sa bandang gitna ha..

I made my way towards her. Ah grabe, ansikip!...Ganito ba talaga sa mga bus??  

Medyo nakapwesto na ako malapit sa kanya...sa bandang likuran niya sa may gilid. Di niya talaga siguro maiisip na halos katabi niya lang ako ngayon kasi, as usual, nakasuot ako ng shades and cap. Bukod dun, sa labas pa siya nakatingin.

Buti na lang pala siksikan, kundi mapapansin siya agad. Pero nakakainis pa din! Dikit na siya halos dito sa lalake sa tabi, buti na lang yung bag niya nasa gilid niya.

Aba naman! Bigla-bigla ba namang pumreno yung driver!

Buti na lang talaga mabilis ako!

Gumitna ako agad sa kanila nung lalake kaya ako yung napabunggo kay Ayen. Medyo malakas nga yung impact e kaya nawala sa ayos yung shades ko...kaya tuloy ngayon...

we're looking at each other, EYE TO EYE...

Expected ko na din yung kasunod nyan.

Nanlaki yung mga mata niya sa gulat.

Tumayo ako ng maayos sabay alalay din sa kanya. Di pa din niya inaalis yung tingin niya saken. Sobrang nagulat talaga siguro siya kung paano ako napunta dun. Inayos ko yung shades ko sabay ngiti sa kanya. Siya naman, nagsalubong ang mga kilay sabay iwas ng tingin.

What now, Ayen? Halata kong uneasy siya dahil aware na siya sa presence ko.

Huminto yung bus kasi may pumara. Sakto naman na may umalis sa tapat naming dalawa. Nagkatinginan kami. I grinned at her and...

sat down.

Alam kong sinundan niya ako ng tingin kaya tinignan ko din siya. Asar nanaman e.

"Gentleman pala ha!" Her piercing eyes says it all. I couldn't help but smile. "Ba't ka pa kasi nag-bus e..." I sort of murmured that.

Sa'n ka nakakita ng SUPERstar na nagba-bus at nakatayo pa! That'd be ridiculous. Pwede lang yun sa shooting.

First, sinamaan niya ako ng tingin... the next thing, inirapan niya ako.

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon