Chapter 25

16 0 0
                                    

NORMAL POV

"CJ??"

"Naku sorry talaga ha..." Inabot ni CJ yung kamay niya para tulungan si Ayen sa pagtayo. "Akala ko kanina ka pa nakauwi..."

"Ha?" Hindi humawak si Ayen sa kanya nung tumayo siya.

"Ganun ka pa din..." Nginitian siya nito.

"Huh?" Natigilan siya sa pagpagpag sa sarili.

"Ganun ka pa din..." *smile* "hindi ka pa din basta-basta humahawak sa lalake..."

"Ahh.. yun ba?" Napakamot tuloy siya ng ulo. "Ay teka...yung sinabi mo nga pala kanina...Ba't sabi mo akala mo nakauwi na ako??"

"Ah kasi… Nakita kita kanina e...Tatawagin sana kita kaso sumakay ka ng kotse...*pause* ...kasama yung lalakeng kausap mo..."

"Ahh..."

"Boyfriend mo?"

"H-HA?!?"

Nagulat siya dun sa tanong kaya 'di siya nakasagot agad.

Napaisip tuloy siya kung pa'no niya sasagutin yun...Madali namang sabihin na hindi niya boyfriend si N, kaso pag sinabi niya yun, baka itanong kung magkaano-ano sila. Dun siya mahihirapang sumagot e.  Friends?? Malabo e... Hindi niya nga din maintindihan kung ano silang dalawa e.

Pero bago pa siya makapagsalita...

"Ah sorry...baka kamag-anak niyo yun no? Hindi ka naman kasi basta-basta sasama kung 'di mo kakilala e... Akala ko talaga ihahatid ka nun sa inyo..."

"Ah...kasi---"

"Hatid na lang kita..." *smile*

"Ha? E diba dun pa yung bahay niyo??" Tumuro siya dun sa opposite side.

"Okey lang...medyo madilim na kasi...mahirap namang ikaw lang mag-isa maglalakad pauwi..."

"Ha? Malapit na lang naman yung bahay namin e, okey lang..."

"Hindi 'wag na...hatid na kita..."

Ayen sighed. "Kasi…” Tumingin siya dun banda sa binabaan nila ni N kanina. Di niya masigurado kung andun pa ba yung kotse kasi bukod sa medyo madilim na nga, may mga puno pang nakaharang.

“Ano yun?”

Napabalik siya ng tingin kay CJ. “Ha? Wala, wala…Sige, Halika na…” Nakakailang hakbang palang siya, napatingin siya ulit dun.

Umalis na siguro yun kasi nakita niyang may kasama ako... 

---------------------

"Kamag-anak?? Kakilala?? Tss."

Dineactivate na ni N yung link ng phones nila ni Ayen.

Oo, narinig niya yung usapan.

Uuwi na 'ko! Nakakairita!... Ba't magpapahatid siya dun e andito naman ako?!? Tsaka, ba't ko ba sila susundan?!?"

He turned and walked away.

---------------------

"Bakit Marienne?"

"H-ha?? Ah wala...parang...parang may nakalimutan lang kasi ako e..."

Bago pa makapagtanong si CJ sa kanya kung ano yun, naglakad na siya ulit. Sumunod naman agad si CJ sa kanya.

Para lang may madahilan siya, yun yung nasabi niya. Di niya nga alam kung bakit yun e. Tapos, habang naglalakad sila, di niya maintindihan kasi parang pakiramdam niya nga may nakalimutan talaga siya. Di niya nga lang maalala kung ano yun...

Fall in love with meWhere stories live. Discover now